EPISODE · May 11, 2023 · 5 MIN
Mabuting Balita l Mayo 12, 2023 - Biyernes
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Mayo 12, 2023 - Biyernes Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 15:12-17 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ito ang utos ko: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pagmamahal na hihigit pa kaysa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa mga kaibigan niya. Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo itinuturing na mga utusan sapagkat hindi alam ng utusan kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon. Itinuring ko naman kayong mga kaibigan sapagkat ipinaalam ko sa inyo ang lahat ng narinig ko mula sa aking Ama. Hindi kayo ang humirang sa akin kundi ako ang humirang sa inyo at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo. At ipagkakaloob sa inyo ng Ama anuman ang hilingin ninyo sa kanya sa Ngalan ko. Iniuutos ko nga sa inyo na magmahalan kayo.” Pagninilay: Nakakatuwang marinig sa isang tatay ang “baby, I love you already” habang kinakausap ang baby na nasa sinapupunan pa lang ng asawa niya. Ang ibig po kasing sabihin ng “I love you already”, mahal na kita, kahit hindi pa kita nakikita. Ito ay galing sa puso na masasabi niya, sa bunga ng pagmamahalan nilang mag-asawa. Sa social media, malimit na gamitin ang expression na ito, kung nakaka-enjoy ang kausap o di kaya’y nagustuhan ang sinasabi niya. “I love you already”, kahit hindi siya kilala ng nagsabi nito. Dito siguro, merong konting kalituhan sa paggamit ng “love” at “like.” Kung nagustuhan mo lang, mas tamang sabihin na “I like what you said” o “agree ako diyan.” Walang feelings na involved. Ang love puwedeng mag-umpisa sa – “gusto kita.” At habang tumatagal na nakakasama mo ang taong ito, nade-develop sa pagmamahal. Kasi may nararamdaman ka na sa kanya. Puwedeng magustuhan natin ang isang tao, na hindi kinakailangang mauwi sa pagmamahal. Pero ang pagmamahal, natutunang tanggapin ang anumang hindi natin gusto sa taong iyon. Ang true love, nag lelevel-up pati yan at nasusubukan, kapag tinatama nito ang mali kahit masakit, para sa ikabubuti ng mahal mo. Ang true love, hindi nang-iiwan lalo’t sa oras ng krisis ng relasyon at panghihina ng taong mahal mo. May mga taong mahirap mahalin, nakakapagod. Mahal ko siya, pero suko na ako! Kapanalig, nung sinabi ni Hesus na “magmahalan kayo” sinabi rin niyang “tulad ng pagmamahal ko sa inyo.” Kaya’t, oo, mapapagod ka lang, pero ang napakahirap na hindi sukuan ang taong mahal mo, ay magagawa mo – kasi hindi ka sinukuan at minahal ka muna ng Diyos, kaya’t kinaya mo at kakayanin mong magmahal ng lubos. Manalangin tayo: Panginoong Hesus, turuan mo po akong magmahal tulad ng pagmamahal mo sa akin. Amen. -Sr. Reajoy San Luis, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Mayo 12, 2023 - Biyernes
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.