Mabuting Balita l Mayo 13, 2024 – Lunes  episode artwork

EPISODE · May 12, 2024 · 3 MIN

Mabuting Balita l Mayo 13, 2024 – Lunes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 13, 2024 – Lunes Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 16: 29-33 Sinabi ng mga alagad kay Hesus: “Talaga, tahasan ka nang nangungusap ngayon, at hindi na sa paghahambing nagsasalita. Alam na naming ngayon na alam mo ang lahat at hindi mo kailangang may magtanong pa sa iyo. Dahil dito kaya kami naniniwala na sa Diyos ka galing.” Sumagot sa kanila si Hesus: “Naniniwala ba kayo ngayon? Narito’t parating ang oras at sumapit na upang mangalat kayo—ang bawat isa sa kanya-kanyang sarili-at ako naman ay iiwan n’yong nag-iisa. Ngunit hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang sa akin kayo magkaroon ng kapayapaan. Nagdadalamhati kayo sa mundo subalit lakasan n’yo ang loob, nagtagumpay ako sa mundo.”     Pagninilay: Maraming uri ng pagsubok ang dumarating sa ating buhay. Marami tayong mga balita na nababasa at naririnig tungkol sa maraming klase ng violence na nangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo. Minsan ito ay nagaganap rin mismo sa sariling pamilya, sa komunidad, o sa ating lipunan. Sa ngayon, may mga bansang katulad ng Ukraine at Russia, Israel at Hamas na patuloy pa rin ang giyera. Marami nang tao ang namatay, nasugatan, mga pamilyang nagkawatak-watak, mga infrastructures at important landmarks na nasira, dahil lamang sa walang saysay na giyerang ito. Kapanalig, ang kapayapaan ay matatamo lamang natin kung ang ating puso at kalooban ay malapit na kaisa ni Hesus. Ang kawalan ng kapayapaan ay di lamang nangyayari kung may mga physical violence na nagaganap sa buhay. Pero puede rin tayong mawalan ng kapayapaan kapag ang ating puso ay puno ng poot sa ibang tao at wala nang puwang ang pag-ibig ng Diyos. Ang negative na gamit ng social media ay nagiging hadlang rin para manahan ang kapayapaan sa ating puso. Sa kabila ng mga kaguluhan at mga pagsubok na dumarating sa buhay natin, sikapin nating maging kaisa ni Hesus sa bawat sandali para Manahan sa ating puso at kalooban ang tunay na kapayapaan na tanging siya lamang ang makapagbibigay.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 12, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 13, 2024 – Lunes

0:00 3:42

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 3 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 12, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!