Mabuting Balita l Mayo 14, 2024 – Martes episode artwork

EPISODE · May 13, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Mayo 14, 2024 – Martes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 14, 2024 – Martes Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 15, 9-17 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo. Ito ang utos ko: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pagmamahal na hihigit pa kaysa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa mga kaibigan niya. Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo itinuturing na mga utusan sapagkat hindi alam ng utusan kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon. Itinuring ko naman kayong mga kaibigan sapagkat ipinaalam ko sa inyo ang lahat ng narinig ko mula sa aking Ama. Hindi kayo ang humirang sa akin Kundi ako ang humirang sa inyo at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo. At ipagkakaloob sa inyo ng Ama anuman ang hilingin ninyo sa kanya sa Ngalan ko. Iniuutos ko nga sa inyo na magmahalan kayo.” Pagninilay: "Hindi kayo ang humirang sa akin kundi ako ang humirang sa inyo, at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo." Katulad ng labindalawang apostol na nauna sa kanya, pinili din at hinirang ng Diyos si San Matias na maging malapit na tagasunod ni Kristo. Sa apostolic exhortation ni Pope Francis na pinamagatang Gaudete et Exsultate (Magsaya at Magalak) sinabi niya, na hindi kailangang maging obispo, pari o madre para maging banal. Madalas kasi, iniisip natin na ang kabanalan ay para lang sa mga taong lumalayo sa mundo para magdasal nang buong araw. Hindi po! Tinatawag tayong maging banal sa pamamagitan ng pamumuhay na punung-puno ng pagmamahal, at sa pagpatotoo sa mga aral ni Kristo saan man tayo naroroon.  May asawa ka ba? Maging banal ka sa pagmamahal at pag-aaruga sa iyong asawa gaya ng pagmamahal ni Kristo sa simbahan. Nagtatrabaho ka ba? Maging banal ka sa pagsisikap na magawa ang trabaho mo nang may katapatan at buong galing, bilang serbisyo mo sa buong mundo. Isa ka bang magulang? Maging banal ka sa pagmamahal mo at pagtuturo sa mga anak mo kung paano sumunod kay Jesus. Nasa posisyon ka ba ng kapangyarihan? Maging banal ka sa pagtataguyod ng ikabubuti ng mas nakararami, at sa pagtalikod sa anumang bagay na makasarili. Digital creator ka ba o social media user? Gamitin mo ang kakayahan mo sa pag-spread ng katotohanan at pag-asa, hindi ng tsismis at puro nega.  Sundan natin ang halimbawa ni San Matias na nagpalaganap ng salita ni Kristo hanggang sa maging martir siya para sa Panginoon. San Matias, ipanalangin mo kami.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 13, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 14, 2024 – Martes

0:00 4:31

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 13, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!