EPISODE · May 14, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Mayo 15, 2023 – Lunes
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Mayo 15, 2023 – Lunes Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 15:26,16:4 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapag dumating ang Tagapagtanggol na aking ipadadala sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na nagmula sa Ama, iyon ang magpapatotoo tungkol sa akin. Kaya naman sinasabi ko sa inyo ang lahat ng ito upang pagdating ng oras ay matandaan ninyong sinabi ko ito sa inyo.” Pagninilay: Mga kapanalig, ngayong ika-labing lima ng buwan ng Mayo, ipinagdiriwang natin ang kapistahan ni San Isidro Labrador, isang simpleng magsasaka na taga Madrid. Nanilbihan siya sa isang mayamang nagmamay-ari ng lupang kanyang sinasaka. Ano ba ang kahanga-hanga sa buhay ni San Isidro? Alam niya ang kahirapan ng isang magsasaka. Pero sa kabila nito, nagawa pa niyang palaguin ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng araw-araw na pagsisimba, at patuloy na pagdarasal habang siya’y nagsasaka. Bukod pa rito, bukas-palad siya sa mga mahihirap; at maawain din sa mga hayop. May mga nagpatotoo, na nakitang ina-alalayan siya ng mga anghel, habang siya’y nag-aararo. Minsan, dahil sa pagpapakain niya sa mga nagugutom na mga ibon, naihain niya ang kalahating sako ng dala-dala nyang mais. At dahil dito, nakatanggap siya ng mga panlalait mula sa mga taong nakakita ng kanyang ginawa. Mga kapanalig, di ba, karanasan din ng ilan sa atin, na kapag may ginagawa tayong kabutihan, may mga taong pinagdududahan ang ating intensyon. Nakakarinig tayong di magagandang comments o masasakit na pasaring. Pero, hahayaan ba natin ang mga negative comments na ito, na pigilan ang ating mabubuting gawain? Kung isa man tayo sa nakararanas ng pag-uusig dahil sa ating mabuting ginagawa –tumingala tayo sa kabutihan ng Diyos; at ating mararanasan na totoo ang sinabi ni Hesus sa mga sumusunod sa Kanya: “Kapag dumating ang Paraklito, Siya’y magpapatotoo hinggil sa Akin.” Mga kapanalig, hindi tayo pababayaan ng Diyos; kapit lang. Sa ating mga magsasaka, at sa lahat ng mga nangangailangan ng paggabay ng Espiritu ng Katotohanan, para sa ikabubuti ng ating mga kaisipan, lalo na kung may mga naka-ambang na tukso sa ating buhay…idalangin natin: O Hesus, higit ka naming kailangan, at ang ipinangako Mong Paraklito, upang patuloy kaming maging saksi ng iyong kabutihan. Amen. -Sr. Susan Penaflor, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Mayo 15, 2023 – Lunes
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.