Mabuting Balita l Mayo 16, 2023 – Martes episode artwork

EPISODE · May 15, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Mayo 16, 2023 – Martes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 16, 2023 Martes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 16:5-11 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad “Ngayon nama’y pupunta ako sa nagpadala sa akin at wala sa inyong nagtatanong sa akin kung saan ako papunta. Kundi tigib ng lungkot ang iyong puso sa pag sasabi ko nito sa inyo. Ngunit sinasabi ko ang katotohanan. Makabubuti sa inyo’y ako’y umalis, sapagkat kong hindi ako aalis hindi makarating sa inyo ang tagapag tanggol. Kung aalis naman ako, ipadadala ko sa inyo at pagdating niya hihiyain niya ang mundo sa pag lalantad ng kasal-anan sa daan ng pagkamatuwid at sa paghatol. Ito ang kasal-anan, hindi sila naniniwala sa akin.  Ito ang daan ng pagka matuwid.  Sa Ama ako papunta, samantalang hindi nyo na ako makikita at hinatulad na ang pinuno ng mundong ito. Ito ang pag hatol.”   Pagninilay: Nakakalungkot ang mawalay sa mga mahal sa buhay. Yan ang karanasan ng nakararaming Pilipino sa paglisan ng ama, ina, o anak para maghanap-buhay sa ibang bansa. Hindi sila umaalis para sa sarili kundi para matustusan ang pangangailangan at kinabukasan ng mga anak at pamilya. Malaking sakripisyo ito, pero handa silang gawin ang lahat – magtiis ng kalungkutan, hirap sa trabaho, at manirahan sa isang bayang banyaga. Pero iba ang dalamhati dahil sa kamatayan. Sa Mabuting Balita ngayon, alam ni Hesus na nalalapit na ang kanyang oras, at inaalo niya ang mga alagad sa pangako na: “Ang pag-alis ko ay sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit pag-alis ko, isusugo ko siya sa inyo.” Hindi lang kalungkutan ang mararanasan ng mga alagad paglisan ni Hesus. Itatakwil sila, kapopootan, aapihin at parurusahan hanggang sa kamatayan. Pero tatanggapin nila ang Espiritu Santo, Patnubay, Mang-aaliw, at kapayapaan ng kaluluwa. Yan din ang pangako ni Kristo sa atin. Magpapasan tayo ng sarili nating krus pero kailanman ay hindi tayo mag-iisa. Kasama natin ang Espiritu Santo na magsisilbing gabay, konsuelo, mang-aaliw at kapayapaan ng ating mga puso sa gitna ng lahat ng pighati, problema, at hilahil. Sabi nga ni Julian of Norwich: “All will be well, and all will be well, and all manner of things will be well.” Kapag namuhay tayong kaisa ng Banal na Espiritu, ang lahat ng bagay ay magiging maayos.   Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 15, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 16, 2023 – Martes

0:00 4:11

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 15, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!