Mabuting Balita l Mayo 2, 2023 – Martes episode artwork

EPISODE · May 1, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Mayo 2, 2023 – Martes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 2, 2023 – Martes Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 10:22-30 Piyesta ng pagtatalaga sa Jerusalem, at taglamig noon. Palakad-lakad si Hesus sa Templo sa patyo ni Solomon, at pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya: “Hanggang kailan mo ba kami ibibitin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang tahasan.” Isinagot sa kanila ni Hesus: “Sinabi ko na inyo subalit ayaw ninyong maniwala. Nagpapatotoo sa akin ang mga gawang ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama. Subalit hindi kayo naniniwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. Naririnig ng aking mga tupa ang aking tinig, at nakikilala ko naman sila, at susunod sila sa akin. Buhay na walang hanggan ang ibinibigay ko sa kanila at hinding-hindi sila mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa aking mga kamay. Mas dakila kaysa anuman ang ibinigay sa akin ng aking Ama, at walang makaaagaw mula sa kamay ng Ama. Iisa kami ng aking Ama.”       Pagninilay: What a great revelation! Ang Diyos Ama at ang ating Hesus Maestro, iisa.  Hindi nga ba’t ang mga alagad, nakawitness ng pagpapakain Niya sa libu-libong tao, pagpapalakad ng pilay, pagpapanumbalik ng pagsasalita ng pipi. Mayroon din sa kanila na naging saksi ng Kanyang transfiguration. Ito ang Katotohanan na ang Ama na sumasa-Anak ay ang kanilang nararanasang presensya. Ang Ama na sumasa-Anak ay ang kanilang nasasaksihan sa paggawa ng kamangha-manghang bagay. Ang Ama na sumasa-Anak ang kanilang kaibigan. Kay palad natin dahil sa pagbubunyag nito ng ating Hesus Maestro, tayo rin inaanyayahang maging kaisa Niya at ng Ama. Sa paano’ng paraan? Lagi sana nating balik-balikan sa ating pagninilay ang hiwaga ng ating pagiging kawangis at kalarawan ng ating Manlilikha. Hindi nga ba may moment na hinahanap natin ang ating Diyos? Parang wala siyang kibo. Hindi nagpaparamdam. Kapanalig, kung sa pakiramdam natin parang nawawala ang Kanyang presensya, inaanyayahan tayo na lumalim pa ang ugnayan natin sa Kanya. Binalutan Niya ng Katawang Tao ang Kanyang “Persona” para maunawaan natin na ang pagiging tao, kayang yakapin ang hirap… ang kawalan… ang kamatayan. Dito mabubunyag sa atin na ang susi ng pagiging isa ng Ama at ng Anak ay ang pagyakap sa pagiging salat. Ito ang poverty in spirit. Alam Niya ang pasakit na kinakaharap natin, pero hindi ito hahantong sa kawalang kabuluhan. Hinahayaan Niya na maranasan natin ang kawalan at ang kasalatan para maging kaisa Niya tayo, moment by moment.   -Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughters of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 1, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 2, 2023 – Martes

0:00 4:29

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 1, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!