Mabuting Balita l Mayo 24, 2023 – Miyerkules  episode artwork

EPISODE · May 23, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Mayo 24, 2023 – Miyerkules

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 24, 2023 Miyerkules sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 17:11b-19 Tumingala si Hesus sa Langit at nag salita “Wala na ako samundo, ngunit nasa mundo pa sila.  Habang papunta ako sayo. Amang Banal, ingatan mo sila sa ngalan mo, na ipinagkaloob mo sa akin upang maging isa sila gaya natin.  Nang kasama nila ako iningatan ko sila sa ngalan mo at pinangalagaan ko sila at wala sa kanilang napahamak, maliban sa nagpahamak sa kanyang sarili. Marapat ngang makaganap ang kasulatan. At ngayon bago ako pumunta sayo, sinasabi ko ito sa mundo upang malubos sa kanila ang aking galak. Ipinagkaloob ko sa kanila ang iyong salita: at mapoot sa kanila ang mundo, sapagka't hindi sila mula sa mundo, gaya ng hindi ako mula sa mundo.  Hindi ko hinihiling na alisin mo sila sa mundo, Kundi pangalagaan mo sila sa masama.  Hindi sa mundo sila galing, gaya ng hindi ako sa mundo galing.  Pabanalin mo sila sa katotohanan: ang wika mo ay katotohanan. Kagaya ng ako’y sinugo mo sa mundo, gayon din naman sinugo kosila sa mundo.  At alang alang sa kanila'y pinababanal ko ang aking sarili, upang pati sila’y pakabanalin sa katotohanan.”   Pagninilay: Ang Mabuting Balitang narinig natin, ay bahagi ng huling panalangin ni Hesus para sa kanyang mga alagad at sa ating lahat, upang ipahayag ang Katotohanan. Isang panalangin na puno ng pagmamahal at pananampalataya. Pero hindi ito madali, dahil may kaakibat na paghihirap at hamon na haharapin ang kanyang mga alagad. Batid ni Hesus, na ang kanyang paghihirap at kamatayan sa krus ay magdudulot ng takot, pangamba at kalungkutan sa kanyang mga alagad. Kung kaya’t hiningi niya sa Ama na sila’y patnubayan, sa kanilang gawaing pagpapahayag, italaga sila sa katotohanan, at ingatan sila sa masama. Mga kapanalig, sa mundo natin ngayon, itinalaga din tayo ng Panginoong Hesus, bilang mga Kristiyano, na ipahayag ang katotohanan sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng iba't ibang social media platforms. Si Pope Francis ay nagpahayag noong World communication Day 2018 na bigyang atensyon ang paglaganap ng tinatawag na “alternative facts and fake news”. Kung ang Katotohanan ay nagbubunga ng kabutihan at pagkakaisa; ang kasinungalingan at “fakenews” naman ay nagtataguyod ng pagbubukod sa sarili, dibisyon at pagkasira ng ugnayan at relasyon sa pamilya, komunidad at sa bawat isa. Kapanalig, itinalaga tayo ng Panginoon sa Katotohanan.  Sikapin nawa natin lagi na manatili sa Katotohanan.   -Sr. Gemma Gamab, fsp l Daughters of St. Pual

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 23, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 24, 2023 – Miyerkules

0:00 4:23

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 23, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!