Mabuting Balita l Mayo 26, 2023 – Biyernes  episode artwork

EPISODE · May 25, 2023 · 3 MIN

Mabuting Balita l Mayo 26, 2023 – Biyernes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 26, 2023 Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 21:15-19 Nagpahayag si Hesus sa kanyang mga alagad nang makapag-almusal sila, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit pa sa mga ito?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Pakanin ang aking mga kordero.” “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Akayin mo ang aking mga tupa.” “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” “Iniibig mo ba ako?” “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” “Pakanin mo ang aking mga tupa. Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Ngunit pagtanda mo’y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo at magdadala sa ayaw mo.” Tinukoy naman ito ni Hesus bilang pananda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!”   Pagninilay: Narinig natin sa Mabuting Balita na tatlong ulit na tinanong ni Hesus si Pedro, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Patay ang pagmamahal na nakapaloob lamang sa damdamin at hindi isinasagawa. Tunay na nabibigyang buhay lamang ang pagmamahal sa pamamagitan ng paglilingkod. Sa pagtiyak ni Pedro kay Hesus ng kanyang pagmamahal, may kaakibat itong responsibilidad ng paglilingkod sa kanyang kawan. Binibigyan din tayo ng inspirasyon ng santong ang kapistaha’y ipinagdiriwang natin ngayon, si San Felipe Neri, upang mamuhay ng banal sa pamamagitan ng pagmamahal sa Panginoon at sa kapwa, na kanyang masayang isinabuhay sa paglilingkod. Matindi man ang pag-uusig na naranasan ni San Felipe Neri at ng Apostol na si Pedro, hanggang sa kamatayan na patiwarik na krus, natanggap naman nila ang tunay na kagalakang nagmumula lamang sa dakilang pagmamahal ni Hesus. Mga kapanalig, hinahamon tayo ng Mabuting Balita ngayon, na pagsikapang mamuhay ng banal, sa papamagitan ng pagmamahal sa Panginoon at sa ating kapwa, sa paraan ng masayang paglilingkod ayon sa malasakit na ipinamalas ni Hesus. Nawa sa ating paglilingkod, napapabuti ang buhay ng ating pinaglilingkuran at nailalapit natin sila kay Hesus.   -Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul        

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 25, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 26, 2023 – Biyernes

0:00 3:57

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 3 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 25, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!