Mabuting Balita l Mayo 27, 2023 – Sabado  episode artwork

EPISODE · May 26, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Mayo 27, 2023 – Sabado

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 27, 2023 Sabado sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: JUAN 21:20-25 Paglingon ni Pedro, nakita niya na sumusunod ang alagad na mahal ni Hesus, ang humilig sa dibdib niya noong hapunan at nagtanong: “Panginoon, sino ba ang magkakanulo sa iyo?” Kaya pagkakita rito ni Pedro, sinabi niya kay Hesus: “Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?” Sinabi ni Hesus: “Kung loobin ko siyang manatili hanggang ako’y pumarito, anong pakialam mo? Sumunod ka sa akin!” Dahil dito’y may lumalaganap na paniwala sa mga kapatid na hindi mamamatay ang alagad na ito pero hindi naman sinabi ni Hesus: “Hindi mamamatay” kundi “kung loobin ko siyang manatili hanggang sa aking pagdating.” Ito ang alagad na nagpapatunay tungkol sa mga bagay na ito at sumulat ng mga ito. Alam namin na totoo ang kanyang pagpapatunay. Marami pang ibang ginawa si Hesus, na kung masusulat ang mga iyon nang isa-isa, sa tantiya ko’y di magkakasya sa mundo ang mga isusulat na mga aklat.   Pagninilay: Sa pagbasa kahapon, tatlong beses tinanong ni Hesus si Pedro: “” Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Binigyan siya ng pagkakataong makabawi sa makatatlong beses niyang pagtatatwa kay Hesus. “Panginoon, alam nyo ang lahat ng bagay, alam ninyong mahal ko kayo.” Ibinalik siya ni Hesus bilang tagapamuno ng mga alagad na magpapakain at mangangalaga sa kawan ng Panginoon. Pero, ipinahiwatig din ni Hesus na maghihirap siya hanggang kamatayan. Kaso, paglingon ni Pedro, nakita niya si Juan, at inusisa niya si Hesus: “Panginoon, paano naman ang taong ito?” Parang nagbibirong sumagot si Hesus “Kung nais kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano ito sa iyo? Sumunod ka sa akin.” Para bang sinasabi niya, “Hay naku, Pedro, huwag ka ngang usisero. Gawin mo na lang ang nakatoka sa iyo, at huwag ka nang manghimasok sa kapalaran ng iba. Ang mahalaga ay sundan mo ako.” Mga kapanalig, minsan, para tayong si Pedro – aligaga sa mga updates ng ating friends, pamilya, kung ano ang trending sa social media at showbiz. At dahil nauubos ang oras natin sa “business” ng ibang tao, napapabayaan natin ang mga tungkulin at gawain. Minsan pa nga, nadadala tayo sa agos ng public opinion na kadalasa’y taliwas sa katotohanan at values nating mga Kristiyano. Ikaw, kapanalig, ano ang pinagkakaabalahan mo: ang uso o ang Totoo?   -Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 26, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 27, 2023 – Sabado

0:00 4:02

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 26, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!