Mabuting Balita l Mayo 28, 2023 – Linggo  episode artwork

EPISODE · May 27, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Mayo 28, 2023 – Linggo

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 28, 2023 Linggo sa Dakilang Kapistahan ng Linggo ng Pentekostes Ebanghelyo: Jn 20:19–23 Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Hesus at pumagitna. At sinabi n’ya sa kanila: “Sumainyo ang kapayapaan!” Pagkasabi n’ya nito, ipinakita n’ya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon. At muli n’yang sinabi sa kanila: “Sumainyo ang kapayapaan! Gaya ng pagkakasugo sa akin ng Ama, gayun ko rin kayo ipinadadala.” At pagkasabi n’ya nito, hiningahan n’ya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at panatilihin naman sa sinuman ang inyong panatilihin.”     Pagninilay: Mga kapanalig, ngayong Dakilang Kapistahan ng Pentekostes, ipinagdiriwang natin ang pagbaba ng Banal na Espiritu sa mga Apostol at ang pagkabuo ng Simbahan. Araw ito ng malaking kagalakan dahil inaalala natin kung paano pinuspos ng Banal na Espiritu ang mga Apostol, upang ipahayag ang mabuting balita ni HesuKristo sa mga tao, ng bawat lahi at wika. Sa ating Mabuting Balita ngayon, narinig natin kung paano nagpakita si Hesus sa mga alagad sa gabi ng kanyang muling pagkabuhay. Nagtipon sila sa loob ng isang saradong silid, takot sa mga mangyayari. Binati sila ni Hesus: "Sumainyo ang kapayapaan”.  Lubos na nagalak ang mga alagad sa pagkakakita kay Hesus na nabubuhay, at huminga si Hesus sa kanila at sinabi, "Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu." Sa sandaling ito, ipinagkaloob ni Hesus sa kanyang mga alagad ang Banal na Espiritu, ang parehong Espiritu na ipinagdiriwang natin ngayon. Ang Banal na Espiritu ay ang ikatlong persona ng Santisima Trinidad, ang Espiritu ng Diyos, na ipinadala upang gabayan tayo, patatagin, turuan, at palakasin. Ang Espiritu ay pinagmumulan ng ating pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Pero, ano ang ibig sabihin para sa atin, na tanggapin ang Banal na Espiritu? Kapanalig, nangangahulugan itong, hindi tayo nag-iisa. Ang Banal na Espiritu ay lagi nating kasama at nagbibigay gabay at tulong sa atin upang mabuhay bilang mga alagad ni HesuKristo. Nangangahulugan ito na binigyan tayo ng isang misyon, tulad ng mga Apostol. Ang misyong ipahayag ang mabuting balita ni HesuKristo sa lahat ng tao, ibahagi ang pag-ibig ng Diyos sa mga nangangailangan, at maging saksi sa Kanyang kapangyarihan. Amen.   - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 27, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 28, 2023 – Linggo

0:00 4:18

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 27, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!