Mabuting Balita l Mayo 28, 2024 – Martes  episode artwork

EPISODE · May 27, 2024 · 3 MIN

Mabuting Balita l Mayo 28, 2024 – Martes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 28, 2024 – Martes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10,28-31 Nagsalita si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa iyo.” Sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo na walang gantimpala. Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa panahong darating nama'y makakamit n’ya ang buhay na walang hanggan. May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.”   Pagninilay: Narinig natin ang sinabi ni Pedro, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo.” Mukhang may hugot ang binitawang salita ni Pedro. Totoong may kalakip na pag-uusig, sa bawat panawagan na sumunod sa yapak ng ating Panginoon. Ito ang great challenge. Noong nagsisimula akong tumugon sa calling ng pagmamadre, exciting para sa akin. Dahil nananabik ako noon na manahan sa kumbento. At sa formation na natanggap ko, doon ko lang napagtanto na ang kamangha-manghang panawagan ay ang ugnayan ko sa Diyos. Sa initial formation, dahan-dahan kong nauunawaan kung sino ako. Unti-unti, natutuhan ko ring mahalin ang sarili ko. Kasabay nito, little by little, ang nakilala kong Hesus, hindi ko lang nakikilala sa pangalan kundi, ang tunay na kahulugan ng Kanyang pangalan sa aking buhay. Kay tamis pagnilayan: Aking Tagapagligtas. Hindi lang din Siya bilang aking Hesus Maestro na nagtuturo sa akin, kundi isang Maestro na mas nakakaalam pa ng aking pagkatao kaysa sa akin. Nang tumatagal na ako sa pagtugon sa paghuhubog sa akin, natagpuan ko ang aking strengths and weaknesses, talents and incompetencies. Mayroon na ring requirement na i-let go ang maraming bagay na natutuhan kong i-treasure. Higit pa roon, mas natatanggap ko na, ang panawagan ng pag-uusig. Yun bang kahit na malinis ang iyong intensyon, at iba ang kanilang interpretasyon, kaya ko nang tiisin. May tukso rin na pilit sinusungkit ang pagmamahal ko sa aking Hesus Maestro at ipagpalit sa yamang material, at sa inaalok na pag-ibig ng isa ring nilalang, pero nakakayanan ko Siyang ipaglaban. Sa mga pag-uusig na ito, hindi ito dapat ikabahala dahil kailangan ko ito sa paglago ng aking pagmamahal at pananampalataya sa Kanya.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 27, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 28, 2024 – Martes

0:00 3:57

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 3 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 27, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!