Mabuting Balita l Mayo 31, 2023 – Miyerkules  episode artwork

EPISODE · May 30, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Mayo 31, 2023 – Miyerkules

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 31, 2023 Miyerkules sa Ika-walong Linggo saKaraniwang Panahon Ebanghelyo: LUCAS 1:39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako’t naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. “Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman.  Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalaala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.   Pagninilay: Mga kapanalig, tatlong letra ng P ang nais kong bigyang diin at pagnilayan sa ating pagbasangayon. Unang P- Pagbati. Binati ng Mahal na Ina si Elisabet. Pagbati nang may pagmamahal at hangaring tumulong sa kanyang pinsang si Elisabet, na sa kanyangkatandaan ay naglilihi ng sanggol. Ikalawang P- Pagtatagpo. Ang kwentong ito ng mag pinsang Sta. Maria at Sta. Elisabet ay hindi lamang kanilang pagtatagpo, kundi pagtatagpo din ng mga sanggol sa kanilang sinapupunan. Narinig natin na sinabi ni Sta. Elisabet, na sa oras na marinig niya ang pagbati ng Mahal na Ina, lumukso sa tuwa ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Ikatlong P- Pagpupuri. Sa tagpong ito, winika ng Mahal na Ina ang Pagpupuri o “magnificat”. Pagdakila niya ito at pagkilala ng kanyang kaluluwa sa Panginoon, dahil lubos siyang kinalugdan ng Diyos, na maging Ina ng tagapagligtas. Sa ating buhay-pananampalataya, meron bang pagkakataon na nagpuri din tayo sa Diyos dahil naging kalulugod- lugod din tayo sa kanya? Kapanalig, anumang mabuting ating gawin sa kapwa ay kalugod-lugod sa Diyos.    Manalangin tayo:  Panginoon, ipagkaloob Mo po, na maging kalugod- lugod kami sa Iyo, sa pamamagitan ng aming pagsisikap na maisabuhay ang Iyong mga salita. Patatagin Mo po kami, sa panahon ng kalungkutan, at kasakitan ng buhay, dulot ng karamdaman. Maitaas nawa namin Sa’yo ang pagsasakripisyong dulot nito, upang makamit ang kaligtasan, at buhay na walang hanggan. Amen.   -       Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 30, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 31, 2023 – Miyerkules

0:00 4:57

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 30, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!