Mabuting Balita l Mayo 4, 2024 - Sabado episode artwork

EPISODE · May 3, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Mayo 4, 2024 - Sabado

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 4, 2024 - Sabado Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay   Ebanghelyo: Juan 15: 18-21 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung napopoot sa inyo ang mundo, alamin ninyo na ako muna bago kayo ang kinapootan. Kung kayo’y mula sa mundo, inibig na sana ng mundo ang sariling kanya. Ngunit napopoot sa inyo ang mundo dahil hindi kayo mula sa mundo kundi ako ang humirang sa inyo mula sa mundo. Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo: ‘Walang utusang mas dakila sa kanyang panginoon.’ Hindi ba’t inusig nila ako? Uusigin din kayo. Tinupad ba nila ang aking salita? Gayon din nila tutuparin ang sa inyo. Dahil sa ngalan ko nila gagawin ang mga ito laban sa inyo, sapagkat hindi nila nakikilala ang nagpadala sa akin.”     Pagninilay: May mga taong ang tiwala at pag-asa ng kanilang buhay ay nakasalalay lamang sa kanilang kapangyarihan at kayamanan. Nabubuhos ang buong kalooban sa pag-tatamo ng mga materyal na bagay, hindi ma-satisfy kahit napakayaman na, patuloy pa rin ang pagnanasa na magkamal nang mas marami pang kayamanan. Ang mga materyal na bagay ba, kapangyarihan at katanyagan ay makapagbibigay ng kaligayahan sa atin? Siguro marami sa atin, ang isasagot ay oo, pero anong klaseng kaligayahan? Panandalian lamang. Dahil ang mga ito ay ang kaligayahang ibinibigay ng mundo. Hindi nakaugat sa pag-ibig na nagmumula sa Diyos. Ang sabi nga ni Hesus sa Mabuting Balita na narinig natin: “kung tayo’y taga-sanlibutan, mamahalin nito tayo…” Kapanalig, napakalaking temptation talaga na ilaan natin ang buong puso at kalooban sa materialistic pursuits, to the point na nakalimutan na natin kung bakit narito tayo sa mundong ibabaw. Ani Hesus, “kung ‘di tayo taga-sanlibutan, kapopootan nito tayo.” Ang ibig sabihin, kung ibibigay natin ang buong puso at kalooban sa pagsunod sa mga yapak ni Hesus dito natin matatagpuan ang tunay na kaligayahan, pero maging handa tayo kung makaranas tayo ng persecution at kapootan ng mundo. Maraming uri ng persecution ang nangyayari sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa ating panahon ngayon. Merong mga taong hina-harass at binu-bully ng mga matataas at ng may kapangyarihan sa lipunan dahil sa kanilang pagtulong sa mga mahihirap at inaapi. Marami ding mga Christians ang pine-persecute dahil sa pagsasabuhay nila ng kanilang pananampalataya. Talamak din ang pambu-bully na nagaganap sa social media lalo na kung ang ating prinsipyo at paniniwala ay taliwas sa kalakaran ng mundo. May mga taong ayaw ng katotohanan, mas gugustuhin pa ang mamuhay sa kadiliman at kasinungalingan. Pero sabi ni Hesus, huwag matakot kung tayo man ay makaranas ng mga panlalait at pag-uusig, dahil ganoon din ang ginawa sa kanya. - Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughter's of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 3, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 4, 2024 - Sabado

0:00 4:41

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 3, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!