Mabuting Balita l Mayo 5, 2023 - Biyernes  episode artwork

EPISODE · May 4, 2023 · 5 MIN

Mabuting Balita l Mayo 5, 2023 - Biyernes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 5, 2023 - Biyernes Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 14:1-6Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. Maraming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: ‘Papunta ako upang ipaghanda kayo ng lugar.’ At kapag nakapunta na ako at nakapaghanda ng lugar para sa inyo, muli akong darating at isasama ko kayo para sa aking sarili upang kung saan ako naroroon, gayon din naman kayo. At alam n’yo ang daan sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas: “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Papaano namin malalaman ang daan?” “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang nakalalapit sa Ama liban sa pamamagitan ko.”   Pagninilay: May mga taong may trust-issue. Nahihirapang magtiwala. Mahirap nga naman magtiwala kung nakaranas ka ng matinding sakit gawa ng pagtataksil, pag-iwan ng taong pinagkatiwalaan, naloko ng taong sobrang minahal. Ang isa po sa seryosong epekto nito ay ang pagkadala o trauma na magtiwala. Kasi nabugbog ang isang tao sa sakit dahil paulit-ulit na niloloko. Hindi niya namamalayan na nagkakaroon na ng harang o blocks para siya ay maprotektahan sa sakit na idudulot ng panibagong relasyon. At kapag pinili nating manatili sa ganyang kalagayan, dahil ayaw na nating masaktan – tumitigas at nagsasara ang puso ng tao na sumubok at magkaroon ulit ng malalim na relasyon. Relasyon na kapag nagkakalamat dahil sa nasirang tiwala – minsan hindi na ito kayang buuin ng pagmamahal lang. Hindi puwedeng mahal kita, pero wala akong tiwala sa’yo. Kapanalig, mangyari man ito sa atin – may isang walang tigil – ayaw mag-give up sa atin --- si Hesus na nagsasabi sa Mabuting Balita natin ngayon: “Huwag mag-alala. Manalig ka sa Ama at sa akin.” Alam naman po natin na si Hesus at ang Ama ay iisa. Si Hesus mismo ang pagmamahal ng Ama sa atin. Ipinakita ng Ama kay Hesus kung ano ang kayang Niyang gawin para sa’yo at sa akin. Tumigas man at magsara ang puso natin – nandiyan pa rin ang Diyos. Nagmamahal, tapat, naghihintay na magdesisyon tayong buksang ulit ang puso natin. At ito, kapanalig, ang gusto ng Diyos sa atin - kaya siya mismo ang nagtubos sa atin. Ayaw niyang maiwan tayo sa kalungkutan, kasamaan na makapaghihiwalay sa Kanya sa atin. Gusto Niya tayong makasama sa “matitigilan na inihanda Niya para sa atin.” Ang pagbabago, kapanalig, kung iaasa sa sarili ay hindi talaga kakayanin--- pero kay Hesus- wala tayong dapat ikabahala, manalig lamang tayo sa Ama at sa Kanya. Manalangin tayo: Ama, hilumin po Ninyo ang aking puso – para muling mabuksan ito --- makapagpatawad ng lubos, magmahal at magtiwala ng walang pag-aalinlangan, at patuloy na lumago sa pananampalataya sa Iyo. Hinihiling po namin ito sa pamamagitan ni Hesus na Iyong Anak at sa Espiritu Santo. Amen.   - Sr. Reajoy San Luis, fsp l Daughters of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 4, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 5, 2023 - Biyernes

0:00 5:08

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 4, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!