Mabuting Balita l Mayo 6, 2023 – Sabado  episode artwork

EPISODE · May 5, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Mayo 6, 2023 – Sabado

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 6, 2023 – Sabado Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 14:7-14 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit kilala na ninyo siya at nakita ninyo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot sa kanya si Hesus: “Diyata’t matagal na panahon na ninyo akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Papaano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa Ngalan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki’y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.”   Pagninilay: Noong bata ako, nangarap akong magkaroon ng superpower gaya ni Mary Poppins na sa isang iglap ay nakakalinis ng buong bahay, o ni Superman na lumilipad at bumubulusok para tulungan ang mga nangangailangan. Pero higit sa lakas at galing nila ang kapangyarihan ng Panginoong Hesus. Sa Mabuting Balita natin ngayon, ipinagbilin niya: “Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama.” Hindi ba nagpagaling si Hesus ng maysakit, iminulat niya ang mga mata ng bulag, binuksan ang bibig at tenga ng pipi at bingi, at binuhay niya ang patay. Magagawa daw natin lahat ito, at higit pa rito! Kung kailangan mo ng milagro, hilingin natin ito sa ngalan ni Hesus, at gagawin niya ito. Inulit pa niya ang mga salitang ito: “kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking gagawin.” Ang requirement? Manalig, sumampalataya, magtiwala sa kanya. Sabi nga ng novice mistress ko, “when you pray, ask for the impossible. What is possible you can do through hard work and dedication.” Kapag imposible daw ang hiniling kay Hesus, nagpapatunay ito na nagtitiwala ka sa Kanya. Kapanalig, anong imposibleng biyaya ang idinadalangin mo ngayon? Manalig ka! Walang imposible sa Diyos! Gagawin niya anumang hilingin mo sa ngalan ni Hesus. Manalangin tayo: Panginoon, bigyan mo kami ng lakas at kababaang-loob upang lumapit sa iyo at tanggapin ka sa Banal na Eukaristiya. Amen!    - Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 5, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 6, 2023 – Sabado

0:00 4:45

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 5, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!