Mabuting Balita l Mayo 9, 2023 - Martes  episode artwork

EPISODE · May 8, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Mayo 9, 2023 - Martes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 9, 2023 - Martes Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 14:27-31a S inabini Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; ibinibigay ko sa inyo ang aking kapayapaan. Hindi tulad ng pagbibigay ng mundo ang pagbibigay ko nito sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong mga puso; huwag kayong matakot. Narinig ninyong sinabi ko sa inyo: ‘Paalis ako, subalit pabalik ako sa inyo.’ Kung minahal ninyo ako, magagalak sana kayo sa pagpunta ko sa Ama, sapagkat mas dakila sa akin ang Ama. Ngunit sinasabi ko na ito ngayon sa inyo bago mangyari, upang maniwala kayo kapag nangyari ito. Hindi ko na kayo kakausapin nang mahaba, sapagkat parating na ang pinuno ng mundo. Wala siyang inaari sa akin, ngunit dapat malaman ng mundo na mahal ko ang Ama, at kung anong iniutos sa akin ng Ama, ito mismo ang aking ginagawa.”   Pagninilay: Radikal na mga salita ang ating napakinggan sa Mabuting Balita sa araw na ito. “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo”, wika ng ating Panginoon.  Ano nga ba ang tunay na kapayapaan?  Ito ba ay ang kawalan ng gulo o hindi kasiya-siyang mga bagay? Matatawag ba nating mapayapa ang ating Buhay dahil ang lahat ay nasa ayos naman?  Mga kapanalig, ang kapayapaan na tinutukoy ng Panginoon Hesus ay higit sa pamantayan ng mundo.  Ano nga ba ang tunay na kapayapaan? Ito ba’y nakikita? Ito ba’y nararandaman?  Ang kapayapaan na galing kay Hesus ay hindi lamang panlabas kundi, nagsisimula ito mula sa loob. Ang kapayapaan ay nagsisimula kung mayroon tayong tunay at matibay na relasyon sa Diyos. Kamusta ang relasyon mo sa Diyos, kapatid?  Lumalalim ba ito? Tumitibay ba? Sa panahon ng pasko ng pagkabuhay, nasaksihan natin ang hindi maikukumpara, at hindi matutumbasang pagmamahal ng Diyos sa atin.  Naramdaman natin at napatunayan, na hindi tayo kailanman iniwan ng Diyos. Hindi tayo kailanman binitawan ng Diyos.  Mga kapatid, napapanahon na suriin natin ang sarili:  Kamusta nga ba ang ugnayan mo sa Diyos?  Mahalagang makita natin ito, dahil dito nagsisimula ang kapayapaan. Nagsisimula sa loob, sa relasyon, sa pakikipag-ugnayan ang tunay na kapayapaan. -Fr. Lordan Lagda–Archdiocese of Tuguegarao

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 8, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 9, 2023 - Martes

0:00 4:26

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 8, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!