Mabuting Balita l Nobyembre 10, 2023 – Biyernes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Nov 9, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Nobyembre 10, 2023 – Biyernes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Nobyembre 10, 2023 – Biyernes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 16:1-8 Sinasabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “May katiwala ang isang mayaman, at isinumbong sa kanya na nilulustay ng katiwala ang kanyang kayamanan. Ipinatawag niya ito at sinabi sa kanya: ‘Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magsulit ka sa akin ng iyong pangangasiwa dahil hindi ka na makapangangasiwa.’ At inisip ng katiwala: ‘Tatanggalin ako ngayon sa pangangasiwa ng aking panginoon. Ano ang gagawin ko? Kulang ako ng lakas para magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos. Ah, alam ko na ang gagawin ko. At pagkatanggal sa akin sa pangangasiwa, may mga magpapatuloy sa akin sa kanilang mga bahay.’ Kaya tinawag niyang isa-isa ang mga may –utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una: ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito: ‘Sandaang galon ng langis.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang resibo mo, maupo ka agad at isulat mo: Limampu.’ Tinanong naman niya ang ikalawa: ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ Sumagot siya: ‘Sanlibong takal ng trigo.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang iyong resibo at isulat mo: ‘Walundaan.’ Hinangaan ng panginoon ang matalinong paggawa ng di matuwid na katiwala. Mas matalino nga ang mga taong makamundo sa pakikitungo sa mga gaya nila kaysa mga tao ng liwanag.”  Pagninilay: Isinulat ni Sr. Gemmaria dela Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebangheyo.  Magaling. Magaling ang Katiwala. Nagbigay siya ng discount sa patubo sa mga nangungutang sa kanila. Pinagaan niya ang kanilang utang. Ginawa niya ito dahil nalaman na ng may-ari ang ginagawa niyang pandaraya. Ite-terminate na siya. Mahusay siya, maabilidad.  Bumilib nga ang ating Hesus Maestro sa style niya, dahil advance siyang mag-isip. Take note. Magkaiba ang mahusay, sa mabuti. Naiiba rin ang maabilidad, sa matuwid. Hindi pinupuri ng Diyos ang dishonesty ng katiwala. Hindi rin Niya tayo ini-encourage na gawin iyon. Ang gustong ipaliwanag sa atin ay kailangan tayong maging magaling para na rin sa ating benefit. Hindi dito sa lupa kundi para sa buhay sa kabila. Oo, nagkasala tayo. Nadisplease natin ang ating Panginoon, dahil natuon tayo sa makamundong yaman, makamundong relasyon, makamundong kapangyarihan. Ang mahalaga, at the moment, may plan of action, at constant ang mabubuting strategies para ma-redeem ang nagawa nating mali.  Para hindi na rin natin maulit ang kasalanan nating nagawa. Mag-invest tayo para maging welcome tayo sa eternal home ng ating Ama.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Nov 9, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Nobyembre 10, 2023 – Biyernes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:30

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on November 9, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!