Mabuting Balita l Nobyembre 13, 2023 – Lunes l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Nov 12, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Nobyembre 13, 2023 – Lunes l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Nobyembre 13, 2023 – Lunes l Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo:  Lucas 17:1-6 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Hindi maaaring walang katitisuran at magpapabagsak sa taong maghahatid nito. Mas makabubuti pa sa kanya na talian ng gilingang bato sa leeg at ihagis sa dagat kaysa tisurin at pabagsakin ang isa sa maliliit na ito. Mag-ingat kayo. Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo s’ya at kung magsisi’y patawarin mo. At kung pitong beses s’yang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong beses din s’yang bumalik sa ‘yo na nagsisisi, patawarin mo s’ya.” Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan mo ang aming pananampalataya.” Sumagot ang Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa punong mala-igos na ‘yan, ‘Mabunot ka at sa dagat ka matanim’, at susundin kayo nito.” Pagninilay: Alam ni Hesus na may mga pagkakataong tayo’y magkakamali, magkakasala, pipiliin ang mapariwara, tatahakin ang landas papalayo sa Kanya at sa ating kapwa. Kung kaya isa sa mga dakilang handog Niya, ang Sakramento ng Pagbabalik Loob. Isang biyayang nagbibigay sa atin ng kakayahang humingi ng tawad at magpatawad. Opo, sa sakramentong ito, hindi lamang tayo humihingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan sa Panginoon at sa ating kapwa, nagpapatawad din tayo, sa mga taong Nakagawa ng hindi mabuti sa atin. Sa panalanging ito na itinuro sa atin ni Hesus, ang mga katagang, “at patawarin mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin,” dito, humihingi tayo ng tawad, at nagpapahayag din na patatawarin ang mga nagkakasala sa atin.  Mga kapanalig, tunay nga bang nagpapatawad tayo sa mga nakasakit sa atin? Isang positibong impluwensya ang gawaing pagpapatawad. Sa panahon ngayong naglipana ang mga samu’t-saring impluwensya sa mundo, nawa’y pagsikapan nating maging positibong impluwensiya, sa pamamagitan ng pagtulad kay Hesus, na hindi nagsasawang magpatawad sa atin, paulit-ulit man ang ating pagkakasala. Naway tayo rin, sa ating paghingi ng tawad sa Diyos Ama, maging katulad ni Hesus, magsumikap na maging mapagpatawad sa lahat ng pagkakataon, isulong ang kultura ng pagpapakumbaba at kabutihan sa isa-isa.      

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Nov 12, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Nobyembre 13, 2023 – Lunes l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:30

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on November 12, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!