Mabuting Balita l Nobyembre 14, 2023 – Martes l Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Nov 13, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Nobyembre 14, 2023 – Martes l Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Nobyembre 14, 2023 – Martes l Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 17:7-10 Sinabi ni Hesus: “Ipagpalagay nang may katulong na nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa ang isa sa inyo. Anong sasabihin niya rito pagbalik nito galing sa bukid? Sasabihin kaya niya: ‘Halika na’t dumulog sa hapag’? Sa halip ay sasabihin niya: ‘Ihanda mo ang aking pagkain; magbihis ka’t pagsilbihan mo ako habang kumakain ako’t umiinom, at saka ka na kumain at uminom.’ Dapat kaya kayong tumanaw ng utang-na-loob sa utusang iyon dahil ginawa nito ang iniutos? Gayundin naman sa inyo. Pagkagawa ninyo sa lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo: ‘Mga karaniwang utusan kami; ginawa lang namin ang dapat naming gawin.’”  Pagninilay: Kapansin-pansin sa ating mga Pilipino ang ating pagkahilig sa mga titulong akademiko. Ayon sa ilang eksperto, marahil galing ito sa ating karanasang kolonyal. Ang ating pagkahumaling na makamit ang college at post-graduate degrees raw ay isang pagnanais na makaangat sa estado ng pamumuhay, para hindi na muling maging alipin ninuman, sa kahirapan man, o sa katayuang panlipunan. Ang nakakalungkot lang, may mga taong ginagamit ang edukasyon bilang katibayan para makapagmataas, para makapagyabang, imbes na makapaglingkod sa kapwa at sa bayan.   Sa ating Mabuting Balita ngayon, tila napakahigpit ng larawang ipinapakita ni Hesus tungkol sa mga alipin. Bawal magpahinga pagkagaling sa labas maghapon; kailangang munang ipaghain ang amo – saka pa lamang maaaring kumain! Simple lang naman ang nais ituro sa atin ng Panginoon: tayo’y pawang Kanyang mga katiwala lamang. Minsan, napakabilis lumaki ng ating mga ulo sa tuwing nakararanas tayo ng tagumpay, na para bang bunga ito ng ating pagpupunyagi. Nalilimutan natin na ang Diyos pa rin ang nagpapayabong ng anumang ating itinanim. Hindi tayo tinawag ng Diyos upang maging matagumpay; tinawag Niya tayo upang maging tapat sa anumang tungkuling iniaatas Niya sa atin.  Mga kapanalig, sa paghahangad nating umunlad, alalahanin natin na hindi tagumpay ang ating prayoridad, kundi ang higit na ikaluluwalhati ng Diyos. Kapag Siya ang ating inuna sa lahat ng ating gawain, siguradong higit pa sa ating pinapangarap ang ating makakamit – bonus na lamang ang tagumpay. Ang mahalaga ay maging tapat, dahil ang matapat sa kalooban ng Diyos ang tunay na nagtatagumpay, at siyang magkakamit ng buhay na walang hanggan.   -Cl. Russel Patolot, SSP l Society St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Nov 13, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Nobyembre 14, 2023 – Martes l Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:15

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on November 13, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!