Mabuting Balita l Nobyembre 17, 2023 – Biyernes l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Nov 16, 2023 · 5 MIN

Mabuting Balita l Nobyembre 17, 2023 – Biyernes l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Nobyembre 17, 2023 – Biyernes l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: LUCAS 17:26-37 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tulad ng nangyari sa panahon ni Noe, gayundin sa mga araw ng Anak ng Tao. Kumakain sila at umiinom, nag-aasawa ang mga lalaki at babae, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong at dumating ang baha na pumuksa sa lahat. Tulad sa panahon ni Lot: kumakain sila at umiinom, nagtitinda at namimili, nagtatanim at nagtatayo. At nang lumabas si Lot mula sa Sodom, nagpaulan ang Diyos mula sa Langit ng apoy at asupre na pumuksa sa lahat. Ganito rin sa araw na ibubunyag ang Anak ng Tao. Sa araw na iyon, huwag nang bumaba pa sa bahay ang nasa terasa para kunin ang kanyang mga gamit at huwag nang umuwi pa ang nasa bukid. Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot. Mawawalan ng kanyang sarili ang sinumang nagsisikap na magligtas nito at ang mawawalan naman ng sarili ang magsisilang nito sa buhay. Sinasabi ko sa inyo: kung may dalawa sa isang higaan sa gabing iyon, dadalhin ang isa at iiwan ang isa pa; kung may dalawang babaeng magkasamang gumigiling, dadalhin ang isa at iiwan ang isa pa.” At itinanong naman nila: “Saan, Panginoon?” Sumagot siya: “Kung nasaan ang katawan, doon nagtitipon ang mga buwitre.”   Pagninilay: May isang dalagang nagdi-discern ng kanyang bokasyon na nakipag-usap sa akin. Para daw kasing tinatawag siya ni Hesus na magmadre. Nagtanong siya: “Sister, kapag pumasok ako sa kumbento, pwede pa rin ba akong mag-ayos ng kilay?”  Nabigla ako – akala ko’y mali lang ang dinig ko, kaya’t nagtanong ako: “Ha?”  Patuloy niya: “Alam mo naman, Sr. Rose, ‘kilay is life’!!! At sabay kaming nagtawanan.  Magandang pagnilayan natin ngayon kung ano nga ba ang mahalaga sa ating buhay? Ipinapaalala sa atin ni Hesus ang asawa ni Lot sa Mabuting Balita, at sinabi niya: “Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makakapagligtas nito.” Noong inililigtas ng anghel ang pamilya ni Lot sa pagkawasak ng Sodom at Gomora, sinabihan sila na huwag lilingon. Lumingon ang asawa ni Lot sa kanilang mga ari-arian at lahat ng nakasanayan niya, at siyaý naging haliging asin! Kapanalig, hangga’t hindi tayo maka-usad mula sa mga bagay na ating pinanghahawakan, lahat ng nagbibigay sa atin ng security, hindi natin matitikman ang kalayaan ng mga anak ng Diyos. Mawawala itong lahat na parang bula, at maninigas tayong tulad ng isang estatwang asin. Pero kung tatalikdan nating ang lahat ng ating ari-arian, ang nakasanayang buhay, pati na ang lahat ng galit at sama ng loob, malaya tayong makakaharap sa kinabukasang puno ng pag-asa, pagmamahal at pagkakaisa.  Manalangin tayo: Panginoon, salamat sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob mo sa amin. Maging bukas nawa kaming talikuran ang kahapon upang buong-puso naming tanggapin ang malayang bukas na iniaalay mo sa amin. Amen.      Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Nov 16, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Nobyembre 17, 2023 – Biyernes l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 5:29

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on November 16, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!