EPISODE · Nov 17, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Nobyembre 18, 2023 – Sabado l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Nobyembre 18, 2023 – Sabado l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 18:1-8 “Dapat laging manalangin at huwag masiraan ng loob”—ito ang sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad sa isang talinhaga. Sinabi niya: “Sa isang lunsod, may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang pakialam sa mga tao. May isa ring biyuda sa lunsod na iyon na madalas pumunta sa kanya at sinasabi: ‘Igawad mo sa akin ang katarungan laban sa aking kalaban.’ Matagal siyang umayaw pero naisip niya pagkatapos: ‘Wala man akong takot sa Diyos at walang pakialam sa tao, igagawad ko pa rin ang katarungan sa biyudang ito na bumubuwisit sa akin at baka masiraan pa ako ng ulo sa pagpunta-punta niya.’” Kaya idinagdag ng Panginoon: “Pakinggan ninyo ang sinabi ng di matuwid na hukom. Hindi ba’t igagawad ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na araw-gabing tumatawag sa kanya? Pababayaan ba niya sila? Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao, makakakita kaya siya ng pananampalataya sa lupa?” Pagninilay: Ngayong araw nakikiisa tayo sa buong simbahan sa pagdiriwang ng Pagtatalaga ng Basilika nina San Pedro at San Pablo sa Roma. Kapag sinabi po nating pagtatalaga o dedication, “ibinubukod at inilalaan ang isang gusali o simbahan para sa isang sagradong layunin.” Isinalaysay ni Hesus sa ating ebanghelyo ang isang talinghaga upang ituro sa kanyang mga alagad na dapat maglaan ng panahon para manalangin. Bilang mga tagasunod ni Kristo, tama din namang tayo’y “naglalaan at nagbubukod” ng oras sa pagsisimba at pagsasamba sa Banal sa Sakramento. Pero inaanyahan din tayo na ilaan at ialay sa Diyos, maging ang ating panahon sa pag-aaral, sa pagtatrabaho, at pati na rin sa paglilibang, nang sa gayon ang ating buhay ay nababalot ng panalangin. At sa pagbabalik ng Anak ng Tao, nakasisiguro tayong may daratnan siyang mga taong may tunay at buhay na pananampalataya. Manalangin tayo: Panginoon, tulungan Mo po akong lumago sa aking buhay panalangin. Mapuspos nawa ng pagdarasal ang aking araw-araw na pag-iral sa mundo. Matutunan ko nawang ialay Sa’yo anumang gawaing ginagampanan ko at matupad ko nawa ito bilang paraan ng pagpupuri Sa’yo, Amen.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Nobyembre 18, 2023 – Sabado l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.