Mabuting Balita l Nobyembre 20, 2023 – Lunes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Nov 19, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Nobyembre 20, 2023 – Lunes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Nobyembre 20, 2023 – Lunes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 18:35-43 Nang malapit na si Hesus sa Jerico, may isang bulag doon na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. Nang marinig niya ang maraming taong nagdaraan, itinanong niya kung bakit. At may nagsabi sa kanya: “Sina Hesus na taga-Nazaret ang dumaraan.” Kaya sumigaw siya: “Hesus, Anak ni David, maawa ka sa akin.” Pinagsabihan siya at pinatahimik ng mga nauuna pero lalo naman niyang nilakasan ang sigaw: “Anak ni David, maawa ka sa akin.” Kaya tumigil si Hesus at ipinadala ang bulag sa kanya at nang malapit na ay itinanong: “Anong gusto mong gawin ko sa iyo?” Sinabi nito: “Panginoon, makakita sana ako.” At sinabi ni Hesus: “Manumbalik ang paningin mo, iniligtas ka ng iyong pananalig.” Agad siyang nakakita at niluluwalhati ang Diyos na sumunod kay Hesus. At nagpuri sa Diyos ang lahat ng nakakita rito.   Pagninilay: Mahirap maging bulag.  Bukod sa napapagkaitan siya ng ganda ng paligid, kailangan niya ng gabay para umakay sa kanya. Kaya naman mistulang nanlimos ng paningin ang bulag. Humiyaw siya nang may pagmamakaawa. Habang sinasaway siya, lalo siyang nagsusumamo. Kaya nang lumapit sa kanya ang ating Hesus Maestro, nagmakaawa siya. Iisa lang ang hiling niya. “Bigyan n’yo po ako ng paningin”. Mulat siguro tayong lahat tungkol kay Ate Elvie na nabulag dahil minaltrato ng kanyang mga amo. Ganundin sa isang pulis na hinataw ng isang police colonel gamit ang kopita.  Natamaan sa mata. Nabulag. Nakakadepress ang mawalan ng paningin, di ba? Paano na lang kung ang pagtingin natin sa Diyos ang mabulag? Lunod na tayo sa kinang ng yaman, sa pagkalugod sa edukasyong natanggap at kabantugan ng propesyon, sa security ng kapangyarihan at katanyagan. Minsan, may nagsabi sa akin na “unless na hindi ko feel, hindi ako magsisimba. Parang wala kasi akong nakikitang hiwaga.” Mayroon din na sa hapag-kainan, home-cooked man ang pagkain o inorder online, nakakaligtaan nang handog ito ng Diyos at wala nang prayer before and after meals. Tandaan natin ang sinabi ni Antoine di Saint Exupery. “It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eyes.” Kaya’t humingi rin tayo ng tawad sa mga panahon na wala tayong nakikitang kahulugan sa tinitingnan natin. Ipagsumamo rin natin sa ating Hesus Maestro na bigyan ng liwanag ang paningin ng ating puso. Bigyan din ng alab ng pananampalataya ang ating kalooban. Naniniwala ako na hindi pa tayo humihiyaw ng “Panginoon, maawa ka sa akin.” iginagawad na Niya sa atin ang Kanyang sariling mapagmahal na paningin.      Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Nov 19, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Nobyembre 20, 2023 – Lunes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:52

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on November 19, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!