Mabuting Balita l Nobyembre 21, 2023 – Martes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Nov 20, 2023 · 3 MIN

Mabuting Balita l Nobyembre 21, 2023 – Martes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Nobyembre 21, 2023 – Martes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo12:46-50 Nagsasalita pa si Hesus sa mga tao nang dumating ang kanyang ina at mga kapatid para makipag-usap sa kanya, at naghihintay sila sa labas. Kaya may nagsabi sa kanya: “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid; gusto ka nilang makausap.” Sumagot si Hesus: “Sino ang aking ina? Sino ang aking mga kapatid?” At itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi: “Narito ang aking ina at mga kapatid. Ang nagsasagawa ng kalooban ng aking Ama sa Langit ang aking kapatid na lalaki at kapatid na babae at ina.” Pagninilay: Ayon sa tradisyon ang pangalan ng mga magulang ng ating Mahal na Birheng Maria ay sina Sts. Joachim at Anne. Kahit na matagal na silang mag-asawa, hindi sila mabiyayaan ng isang anak dahilan sa baog si Sta. Ana. Dahil sa masidhing kagustuhang magka-anak pumunta si San Joaquin sa Templo at humiling na magka-anak. Matapos ay tumungo’t nanatili sya sa iisang lugar upang walang tigil na manalangin. Malungkot si Sta. Ana, hindi niya makita ang kanyang asawa. Alam niya ang dahilan. Kaya naman, siya rin ay nanalangin at nangako sa Diyos. “Panginoon, kung ako ma’y bibiyayaan mo ng isang anak, siya’y iaalay ko upang iyong maging lingkod.” Matapos ang kanilang masidhing panalangin, nagpakita ang anghel ng Panginoon sa mag-asawa at binalitang sila’y bibiyayaan ng anak. Masaya sila sa pagdating ni Maria, kaya noong siya’y tatlong taong gulang, si Maria ay inialay sa templo, bilang pagtupad sa pangako ng kanyang Inang si Sta. Ana. Mga kapanalig, sa tuwing tumatanaw tayo ng biyayang buhat sa Diyos, namang iba pang masasabi ang puso kundi magpasalamat. Matuto tayo sa pamilya nina Sta. Ana, Maria at San Joaquin—ang kani-kanilang buhay na kapwa itinalaga para sa Diyos. Dahil, kung tayo rin ay mag-aalay ng buhay tulad nila, walang ibang salitang sasambitin ang ating mga puso kundi—salamat! -       CL. VINZ AURELLANO, SSP l Society of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Nov 20, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Nobyembre 21, 2023 – Martes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 3:37

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 3 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on November 20, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!