Mabuting Balita l Nobyembre 27, 2023 – Lunes l Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Nov 26, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Nobyembre 27, 2023 – Lunes l Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Nobyembre 27, 2023 – Lunes l Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 21:1-4 Tumingin si Hesus at may mayayaman na naghuhulog ng kanilang abuloy sa kabang-yaman. At nakita rin niya ang isang pobreng biyuda na naghulog ng dalawang barya. At sinabi niya: “Talagang sinasabi ko sa inyo na pinakamahalaga sa lahat ang inihulog ng dukhang biyudang ito. Naghulog nga silang lahat sa kabang-yaman mula sa sobra nila subalit inihulog naman niya mula sa kanyang kasalatan ang buo niyang kabuhayan.”   Pagninilay: “Sapagkat ang inabuloy nilang lahat ay iyong lumabis sa kanila, ngunit ang inihulog ng balong ito ay ang buo niyang kabuhayan sa kabila ng kanyang paghihikahos”. Ang pagkakawang gawa ay laging kalugod-lugod sa mga mata ng ating Panginoong Hesus. Sinasabi lagi ng aming Nanay, sana pagkalooban ako ng Diyos ng maraming pera para laging makatulong. Nakikita ko ang Nanay na gusto laging magtipid para may hawak syang pera. Bakit? Dahil kapag may biglang nangailangan ng pera at humingi ng tulong, may maibibigay sya.  Mga kapanalig, hindi natin kailangan na dumami ang pera para makatulong. Nagpapakita ang Mabuting Balita ngayon, na anumang munting maibabahagi ay malaking halaga nang maituturing. Magbigay tayo at tumulong hindi galing sa sobra, kundi bahagi ng ating ikinabubuhay sa pang-araw araw. Yong dama natin sa puso na may kirot, pero may kapalit na galak sa puso sa pagbibigay.  Mga kapanalig, maraming pagkakataon sa karanasan ng Nanay, na kapag itinulong niya sa kapwa ang kahit konting pera na matagal na niyang itinago, madalas babalik ng doble o mas higit pa sa halagang ibinahagi nya. Sinasabi ko din sa Nanay, wag lang magkakasakit ng malubha, isa man sa aming pamilya, malaking biyaya na ito mula sa Diyos.  O kung sakali mang may pagsubok na dumating at kami naman ang mangailangan ng tulong, naroon ang makalangit na paghingi ng awa at tulong sa Panginoon Hesus. Walang natatago sa mga mata ng Diyos. Anumang paghihirap ang ating dinaranas sa buhay, manalig at magtiwala na mga kamay ng Diyos laging gagabay. Sabi ng isang madre namin, sa kanyang message sa akin, “Sometimes sunod sunod ang pagsubok, pero hindi nauubos ang grasya ng Diyos".  Mga kapanalig, may kalayaan sa takot, may kalayaan sa pangamba, luha may dumaloy sa ating mga mata, dahil sa bigat ng pinapasang pagsubok, lakasan natin ang panalangin sa Diyos. Mula sa langit, lalagi Siyang nakatunghay at tayo ay yayakapin. Amen.   -Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Nov 26, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Nobyembre 27, 2023 – Lunes l Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:36

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on November 26, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!