EPISODE · Nov 28, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Nobyembre 29, 2023 – Miyerkules l Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Nobyembre 29, 2023 – Miyerkules l Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 21:12-19 Sinabi naman ni Hesus: “Bago sumapit ang lahat ng ito, dadakpin kayo at uusigin; ibibigay kayo sa mga sinagoga at dadalhin sa mga kulungan at ihaharap sa mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. Sasapit ito sa inyo para makapagpatotoo kayo sa akin. Isa-isip n’yo na huwag ikabalisa ang pagtatanggol sa inyong sarili dahil ako mismo ang magbibigay sa inyo ng mga salita at karunungang hindi matatagalan o masasagot ng lahat ng inyong kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan, at papatayin nila ang ilan sa inyo. At kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit hindi maaano isa mang buhok sa inyong ulo. Sa inyong pagpapakatatag, ang mga sarili ninyo mismo ang inyong makakamit.” Pagninilay: Hindi ba kayo natatakot sa pagbasa natin ngayon? Sunud-sunod na mga pandiwa, na talaga namang matitindi: “dadakpin at uusigin, lilitisin at ipabibilanggo, isasakdal kayo upang makapagpatotoo tungkol sa akin. Ïpagkakanulo kayo at kapopootan...” Hindi ba kapag alam ng magulang o ng pinuno ng isang grupo na may pagsubok na haharapin ang mga anak at kasama, ang sinasabi nila ay kailangang maghanda para hindi mapahamak? Ang motto nga ng mga boy’s scout at girl’s scout ay BE PREPARED! Maging laging handa. Pero iba talaga si Hesus! Imbes na maghanda, ang sinasabi niya ay: “Ipagpasya ninyo na huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili...” sa ibang salin nga: “Isaloob ninyong mabuti na huwag umisip kung paano ipagsasanggalang ang inyong sarili.” Sa English po ang nakasulat: “Make up your mind not to prepare your defense in advance.” BAKIT??? Kasi ipapadala niya ang Banal na Espiritu at bibigyan tayo ng pananalita at karunungang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa ating mga kaaway. At nangako siya: “Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi kayo malalagasan kahit isang hibla ng buhok. Sa inyong pagtitiis ay maililigtas ninyo ang inyong buhay.” Kapanalig, ang Panginoong Hesus na gumapi na sa mundo at sa lahat ng ating mga kaaway ay kasama natin. Hindi tayo nag-iisa; manalig tayo sa kanya at huwag matakot. Manalangin tayo: Panginoon, nananalig kami sa iyong pangako na hindi mo kami pababayaan. Patatagin mo kami hanggang sa huli. Amen Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Nobyembre 29, 2023 – Miyerkules l Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.