EPISODE · Nov 2, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Nobyembre 3, 2023 – Biyernes l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Nobyembre 3, 2023 – Biyernes l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: LUCAS 14, 1-6 Isang Araw ng Pahinga, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para kumain, at minanmanan naman nila siya. Nasa harap niya roon ang isang taong minamanas kaya nagtanong si Hesus sa mga guro ng batas at mga Pariseo. “Pwedi bang magpagaling sa araw ng pahinga o hindi? Hindi sila umimik kaya hinawakan ni Hesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, kung mahulog sa balon ang anak o ang baka ni isa sa inyo di bat agad nyo iniaahon kahit na araw ng pahinga? At hindi niya siya nasagot. Pagninilay: Kailan nagiging dapat ang hindi dapat? Kailan wasto ang hindi wasto? Sabi ng mga Pariseo hindi tama ang ginawa ng ating Hesus Maestro na pagalingin ang taong namamanas sa araw ng Pahinga. Para sa ating Panginoon, walang mali doon. Isang okasyon pero magkaiba ng perspektibo ang ating Hesus Maestro at ang mga kilalang Pariseo. Ang mga Pariseo, nakatuon sila sa perspektibo ng batas at gawa na nagpapahirap. Samantala, ang ating Diyos na Tagapagturo, humuhugot Siya sa pagmamahal at tunay na diwa ng pagpapahinga. Sumisilakbo ang loob ng mga Pariseo dahil may pinanghahawakan sila na para sa kanila ay tama. Ganyan ang nangyayari sa umaatikabong poot ng mga Hamas sa mga Israeli. Gawa ito ng sarili nilang ideology. Ang matindi pa, may co-conspirators silang pitong mayayamang bansa. Ilang libong inosente ang brutal na namatay, nasugatan, na-hostage, at nagka-trauma sa kanilang sophisticated military and logictical strategies? Oo, iisa ang pananalig nila at natin na mahabagin at makatarungan ang Diyos. Pero para sa kanila, mayroon silang moral obligation para magtaguyod ng aggressive holy war, pati mga inosente nililipol sa ngalan ng Diyos. Paano natin masisilip sa kanila ang halaga ng araw ng pahinga? Ang ating Panginoon lang ang tamang makapaghuhusga ng kanilang isip at puso. Sa ganang atin bilang Kristiyano, tatlong mahahalagang aspeto ang dapat nating isaalang-alang sa pagpapanatili ng Araw ng Pahinga. Una, ito ang Araw ng Sanctification of Mind. Ang Pagpapabanal ng Pag-iisip. It is an exercise of Divine thoughts. Punuin natin ng banal na pagpupuri sa Diyos at ng Kanyang Salita ang ating isip at isabuhay. Ikalawa, ito ang Araw ng Pagpapabanal ng puso. Panahon ito ng Contrition of Heart. Ito ang pagpapakumbaba, pagtanaw sa sariling pagkakamali at hindi paghahanap at pagduro sa mali ng iba. Ikatlo, ito ay ang Araw ng Goodness of Will. Panahon ng kabutihang loob, ng habag at katarungan. Kaya’t magpokus tayo sa ating pananampalataya sa maka-Diyos na pagsasabuhay ng isip, puso at kalooban. Gawin natin ito araw-araw, at lalo’t higit sa tuwing Araw ng Linggo. Ang Araw ng Panginoon. Ito ang ating ambag para sa ikapagpapahinga ng diwa, at kapayapaan ng buong mundo. Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Nobyembre 3, 2023 – Biyernes l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.