EPISODE · Nov 3, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Nobyembre 4, 2023 – Sabado l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Nobyembre 4, 2023 – Sabado l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon Maituturing mo ba ang sarili mo na isang taong mapagkumbaba? Maligayang araw ng Sabado kapanalig. Ikaapat ngayon ng Nobyembre, ginugunita natin si San Carlos Borromeo, na isang Obispo. Bilang obispo, naniniwala siya, na ang mga pang-aabuso sa Simbahan ay dulot ng kamangmangan ng ilang kaparian. Kaya nagtatag siya ng mga seminaryo, kolehiyo at mga komunidad para sa edukasyon ng mga naghahanda para sa Banal na Orden. Siya ang patron ng mga katekista at ng mga catechumens. Pasalamatan natin ang Diyos sa banal na ito, at sa tulong ng kanyang panalangin hilingin nating lumago tayo sa kababaang-loob at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ito po si Sr. Lines ng Daughters of St. Paul na nag-aanyayang samahan kami sa maikling pagninilay ng Mabuting Balita ngayon Ebanghelyo: Lucas 14:1, 7-11 Isang Araw ng Pahinga, pumasok si Hesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para kumain, at minanmanan naman nila siya. May talinghaga siyang sinabi nang mapuna niyang pinipili ng mga inimbita ang mga unang puwesto: “Kung anyayahan ka sa isang kasalan, huwag kang lumagay sa unang puwesto. Baka may kinumbidang mas importante kaysa sa iyo, at darating ang kumumbida sa inyong dalawa para sabihing ‘ibigay mo sa kanya ang puwestong ito.’ Kaya mapapahiya ka’t pupunta sa huling puwesto. Sa halip, kung anyayahan ka, sa huling puwesto ka pumunta sapagkat pagdating ng kumumbida sa iyo, sasabihin niya sa iyo: ‘Kaibigan, lumapit ka pa.’ Kaya mapararangalan ka sa harap ng lahat ng inanyayahan. Sapagkat ibababa ang lahat ng nagpapakataas at itataas ang nagpapakababa.” Sinabi ni Hesus sa puno ng mga Pariseo na nag-anyaya sa kanya: “Kung maghahanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mga kaibigan mo o mga kapatid mo o mga kamag-anak mo o mayayamang kapitbahay ang iyong kumbidahin, baka kumbidahin ka rin nila at susuklian ka. Kung maghahanda ka, mga dukha, mga bale-wala, mga pilay at mga bulag ang kumbidahin mo at magiging mapalad ka dahil hindi ka nila masusuklian ngunit sa pagkabuhay ng mga mabuti ka susuklian.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Nobyembre 4, 2023 – Sabado l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.