EPISODE · Nov 4, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Nobyembre 5, 2023 – Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon(A)
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Nobyembre 5, 2023 – Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon(A) Ebanghelyo: Mateo 23:1-12 Sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad: “Ang mga guro ng Batas at mga Pariseo ang umupo sa puwesto ni Moises. Pakinggan at gawin ang lahat nilang sinasabi subalit huwag silang pamarisan sapagkat nagsasalita sila pero hindi naman ginagawa. Naghahanda sila ng mabibigat na pasanin at ipinapatong sa mga balikat ng mga tao. Ngunit hindi nila ikinikilos ni isang daliri para galawin ang mga iyon. Pakitantao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, malalapad na laso ng Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang noo, at mahahabang palawait sa kanilang balabal. Gusto nilang mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga piging at sa sinagoga. Ikinatutuwa rin nilang mabati sa mga liwasan at matawag na guro ng mga tao. “Huwag kayong patawag na 'guro' sapagkat iisa lamang ang Guro ninyo at magkakapatid kayong lahat. Huwag din ninyong tawaging 'ama' ang sinuman sa mundo sapagkat iisa lamang ang inyong Ama, siya na nasa Langit. Huwag din kayong patawag na 'gabay' sapagkat iisa lamang ang inyong Patnubay, si Kristo. Maging alipin ninyo ang pinakadakila sa inyo. Sapagkat ibababa ang magpapakataas at itataas ang nagpapakababa.” Pagninilay: Sa ating Mabuting Balita ngayon, napakinggan natin ang pangaral ni Hesus tungkol sa kababaang-loob. Nagbigay siya ng babala tungkol sa mga saserdote at mga Pariseo na mapagpanggap at mapagmataas, nagtuturo sila ng batas, pero hindi naman sila sumusunod sa kanilang mga itinuturo. Mga kapanalig, sa ating buhay, tayo rin ay may mga tungkulin at responsibilidad, gaya ng mga pinuno noong panahon ni Hesus. Pero dapat nating tandaan, na ang kababaang-loob ay mahalaga. Hindi sapat na tayo ay nagtuturo ng mabuti at tama, kundi tayo rin ay dapat maging halimbawa ng mga tapat na alagad ng Panginoon. Inaanyayahan tayo ng Panginoon na maging mga lingkod ng isa't isa. Dapat nating paglingkuran ang isa’t-isa nang may pagmamahalan at kababaang-loob. Ang tunay na kapayapaan at kagalakan ay natatamo natin sa pamamagitan ng pagiging tapat na mga lingkod ng Diyos at ng kapwa natin. - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Arch. of Manila
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Nobyembre 5, 2023 – Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon(A)
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.