EPISODE · Nov 5, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Nobyembre 6, 2023 – Lunes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Nobyembre 6, 2023 – Lunes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo Lucas 14:12-14 Sinabi ni Hesus sa Puno ng mga Pariseo na nag-aanyaya sa kanya: “Kung maghahanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mga kaibigan mo o mga kapatid mo, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang iyong kumbidahin, baka kumbidahin ka rin nila at susuklian ka. Kung maghahanda ka, mga dukha, mga balewala, mga pilay, at mga bulag ang kumbidahin mo. At magiging mapalad ka; dahil hindi ka nila masusuklian. Ngunit sa pagkabuhay ng mga mabubuti ka nila susuklian.” Pagninilay: Isa sa mga napakagandang awitin na isinulat ng sikat na Heswitang kompositor, na si Fr. Manoling Francisco, ang Panalangin sa Pagiging bukas Palad, na hango sa Panalangin ni San Ignacio de Loyola. Sinasabi sa awit: “Panginoon, turuan Mo akong maging bukas-palad, Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo, Na magbigay nang ayon sa nararapat, Na walang hinihintay mula sa 'Yo.” Tugon ito sa hamon ni Hesus sa Mabuting Balita ngayon. Nais Niyang ipaalala sa atin ang kanyang handog na bukas at malayang puso. Pusong may kakayahang magbigay na hindi naghihintay ng anumang kapalit. Pusong may kakayahang makita ang mga pangangailangan ng iba. Pusong may kakayahang makipag- ugnayan, hindi lamang sa mga kaibigan o kapamilya, mga taong mabuti sa atin, kundi lalo’t higit, sa mga taong walang kakayahang suklian ang ating kabaitan o pagka mapagbigay. Karaniwan na sa atin, ang scenario ng mga pakalat-kalat na mga batang kalye, mga namamalimos, mga nakahiga sa tabi ng kalsada. Dahil halos araw-araw, ganito ang nakikita natin sa paligid, parang normal na, at nakagawian na ng marami sa atin ang pagsasawalang-bahala. Tunay na alam ni Hesus, kung ano ang nasa puso ng bawat isa, kaya nagpa-alala siya tungkol sa mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay, mga bulag, mga taong binabalewala sa lipunan. Mga kapanalig, nawa’y manaig sa atin ang pusong bukas atmalaya, upang bigyang-pansin ang mga taong nasa laylayan ng ating lipunan; silang karaniwa'y hindi kasama sa bilang, dahil walang maiaambag sa komunidad; silang walang kakayahang suklian ang anumang kabutihan mula sa atin. Matanto nawa natin, na ang lahat ng tinatamasa natin sa ngayon, handog at pagpapala din mula sa Panginoon, na nag-aanyaya sa atin na maging daluyan ng Kanyang pagpapala sa ating kapwa, lalo na, sa higit na nangangailangan. -Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Nobyembre 6, 2023 – Lunes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.