Mabuting Balita l Nobyembre 8, 2023 – Miyerkules l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Nov 7, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Nobyembre 8, 2023 – Miyerkules l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Nobyembre 8, 2023 – Miyerkules l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 14:25-33 Habang naglalakad ang napakaraming tao na kasama ni Hesus, humarap siya sa kanila at sinabi: “Kung may dumating sa akin na di nagtatakwil sa pag-ibig sa kanyang ama at ina, at asawa at mga anak, at mga kapatid na lalaki at babae, at maging sa kanyang sarili, hindi siya puwedeng maging alagad ko. At hindi puwedeng maging alagad ko ang di nagpapasan ng kanyang krus sa pagsunod sa akin. “At paano kung may magbalak magtayo ng silungan ng bantay sa bukid? Hindi ba’t uupo muna siya at tatantyahin ang gastos para malaman kung may sapat siya para maipatapos iyon? Sapagkat kung mailagay niya ang pundasyon at hindi naman niya iyon maipatapos, pagtatawanan lamang siya ng lahat: ‘Hayan ang nagsimulang magtayo at hindi na maipatapos.’ At paano kung may haring nakikipagharap sa ibang hari? Hindi ba’t uupo muna siya para mag-isip kung kaya niya at ng sampung libong kasama niya na harapin ang dumarating na may dalawampung libo? At kung hindi naman, malayo pa ang isa ay magpapadala na siya ng mga sugo para makipag-areglo. Gayon din sa inyo. Hindi puwedeng maging alagad ko ang di tumatalikod sa lahat sa kanya.”   Pagninilay: Naranasan nyo bang maging fan ng isang celebrity? Isa ka bang ARMY? – mga fans ng BTS – isang sikat ng korean boy band; o isa ka bang SWIFTY? – mga fans ni Taylor Swift, isang American pop singer. Nakakabilib ang suporta nila sa kanilang lodi – marami silang isinasakripisyo, nag-iipon para makapanood ng concert, o para makabili ng album at ibang merchandise. Sa dami nila, hindi na sila nakikilala ng kanilang idol. Sabi sa Mabuting Balita ngayon, “sumama kay Hesus ang napakaraming tao.” So, parang celebrity si Hesus at meron siyang mga loyal followers. Pero ibang-iba siya sa mga artista at kilalang singers. Hinarap niya ang mga sumusunod sa kanya at sinabi na hindi madali ang maging alagad niya. Mahirap ang requirements: Kailangan, siya ang number one sa buhay mo – hindi ang magulang, kapatid, asawa’t anak, maging ang sarili. At hindi lang yan. Kailangan ding magpasan ng krus para makasunod sa kanya. Tanong nga ng mga kabataan, “keri bells ba natin yan?”  Kapanalig, hindi biro ang maging alagad ni Hesus! Pero alam n’yo ba? Kapag tinalikuran mo ang lahat ng mahalaga at minamahal mo para kay Kristo, ibabalik niyang lahat nang mas ganap sa iyo, wastong sukat, siksik, liglig, at umaapaw ang biyaya dito sa lupa pati na sa langit!  Kaya, tara na! Manalangin tayo: Panginoon, bigyan mo kami ng lakas at tibay ng loob upang sundan ka sa araw-araw. Amen.    -Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Nov 7, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Nobyembre 8, 2023 – Miyerkules l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:47

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on November 7, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!