Mabuting Balita l Oktubre 11, 2023 – Miyerkules l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 10, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 11, 2023 – Miyerkules l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 11, 2023 – Miyerkules l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo:  Lucas 11:1- 4 Isang araw, nananalangin si Hesus sa isang lugar at pagkatapos niya’y sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin kung papaanong tinuruan ni Juan ang kanyang mga alagad.” At sinabi ni Hesus sa kanila: “Kung mananalangin kayo, sabihin ninyo: “Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang Kaharian mo, bigyan mo kami araw-araw ng pagkaing kailangang-kailangan namin, patawarin kami sa aming mga sala; tingnan mo’t pinatatawad din namin ang lahat ng may utang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.”   Pagninilay: Kapanalig, bakit humiling ang mga alagad na turuan silang manalangin? Ano ang secret ng ating Hesus Maestro?  Ang tugon na hanap nila? Pagmamahal at Kapanatagan ng loob. Malamang naaninag ng mga alagad ang busilak na puso ng ating Panginoon. Saksi sila sa Kanyang awakening at unconditional love. Hindi nga ba’t lahat sila may nakaraan at may pinagdaraanan? Maging sino man sila, pinili pa rin sila na mapabilang sa circle of friends.  Nag-alab ang kanilang puso kung paano sila pinatawad at tinanggap, sa oras na nati-trigger ang kanilang inner wounds o nasasagi ang kanilang ego. Nauuwi sa pagtatalo o samaan ng loob at si Hesus Maestro ang kanilang referee. Si Hesus Maestro rin ang nagbigay sa kanila ng matatag na kalooban sa oras ng pag-aalinlangan at ng mga panganib. Ito ang Langit sa lupa dahil kay Hesus Maestro nila nakita ang “Love Personified”. Kaya naman, tinuruan sila ng priceless secret: Ang Prayer of Love. Sinabi ng ating Hesus Maestro na manalangin straight from the heart at nang may pananampalataya sa Ama. Sa Prayer of Love tayo huhugot para tumalima sa kalooban ng Ama, makapagpapatawad at hihingi ng tawad. Ang tag ng Prayer of Love is priceless. Walang effect ang Gcash, dahil walang makakabayad ng sapat sa value nito. Kung ang kantang Price Tag sinasabi na: Everybody look to their left. Everybody look to their right. But I tell you, everybody look straight to Hesus. Everybody feel the heart of the Father. “It’s not about the money, money, money. We don’t need your money, money, money. We just wanna make the world dance. Forget about the price tag.” Hindi nabibili ang Tahanan ng Diyos Ama, kundi pinipili at kinakandili. Kaya don’t worry about the daily supply of food for our heart and strength for our soul kayang-kaya itong ibigay ng ating Diyos Ama.    -  Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 10, 2023

Embed this episode

Ready to play

Mabuting Balita l Oktubre 11, 2023 – Miyerkules l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:32

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 10, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!