EPISODE · Oct 11, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Oktubre 12, 2023 – Huwebes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Oktubre 12, 2023 – Huwebes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 11:5-13 Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad: “Ipalagay nating may kaibigan ang isa sa inyo at pinuntahan mo s’ya sa hatinggabi at sinabi: ‘Kaibigan, pahiram nga ng tatlong pirasong tinapay dahil kararating lang mula sa biyahe ng isa kong kaibigan at wala akong maihain sa kanya.’ At sasagutin ka siguro ng nasa loob: ‘Huwag mo na akong gambalain. Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng mga bata; hindi na ako maaaring tumayo upang bigyan ka.’ Sinasabi ko sa inyo, kung hindi man s’ya bumangon para magbigay dahil sa pakikipagkaibigan, babangon pa rin s’ya at ibibigay sa iyo ang lahat mong kailangan dahil sa iyong pagpupumilit sa kanya. Kaya sinasabi ko sa inyo: humingi at kayo’y bibigyan, maghanap at matatagpuan ninyo, kumatok at bubuksan ang pinto para sa inyo. Talaga ngang tumatanggap ang humihingi, nakakatagpo ang naghahanap at pinagbubuksan ang kumakatok. Sino sa inyo ang amang magbibigay ng ahas sa kanyang anak kung isda at hindi ahas ang hinihiling nito? Sino ang magbibigay ng alakdan kung itlog ang hinihingi? Kaya kung kayo mang masasama’y marunong magbigay ng mabuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang Ama mula sa Langit? Tiyak na ibibigay n’ya ang banal na Espiritu sa mga hihingi sa kanya.” Pagninilay: Mayroon po akong nabasang magandang article, the 7 Habits of a persistent person. Una, They have a vision and a goal. Yun daw ang nagmomotivate sa kanila. Ikalawa, They always find way. Sa tagalog na kasabihan ‘yan e “Kung ayaw may dahilan, kung gusto may paraan. Ikatlo,They have an inner confidence. Hindi sila madaling ma-sway ng mga “bashers”, they are true to their intention. Ikaapat, They master their habits. “Motivation is what gets you started; habits are what keeps you going.” Ikalima, Ability to adjust and adapt. Nakikinig, nakikibagay, sa kung ano ang mabuti at totoo. Ikaanim, Always teachable and coachable. At ang Ikapito at panghuli, They have people who they consider as their mentor or guide. Open silang matuto, at mapuntuhan ang mga kamalian, para sa mas ikabubuti. Sa ating Mabuting Balita, napakaganda pong tinuturuan tayo ng “persistence.” Kung mapapansin po ninyo, bihira ang mga taong persistent sa kanilang pananampalataya. Para bang ang Diyos ang pinakamabisang bitawan sa oras ng pangangailangan. Hindi ho. Baliktad. Ang Diyos ang pinakamarapat nating kapitan sa oras ng kagipitan. Opo, madalas, para bang iba ang kalooban ng Diyos sa ating nais—pero lagi sana nating isipin na hindi naman Niya pinangakong magiging madali ang lahat. Ang pinangako Niya’y Siya’y Emmanuel— “Ang Diyos na lagi nating kasama’t kapiling, sa hirap man o ginhawa.” - Cl. Vinz Aurellano, SSP l Society of St. Paul
Embed this episode
Ready to play
Mabuting Balita l Oktubre 12, 2023 – Huwebes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.