Mabuting Balita l Oktubre 14, 2023 – Sabado l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 13, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 14, 2023 – Sabado l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 14, 2023 – Sabado l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 11:27-28 Habang nagsasalita pa si Hesus, isang babae mula sa dami ng tao ang malakas na nagsabi sa kanya: “Mapalad ang nagdala sa iyo sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa iyo.” Ngunit sumagot si Hesus: “Kaya talagang mapalad ang mga nakikinig sa Salita ng Diyos at tumutupad nito.”   Pagninilay: Natural sa atin na magbigay papuri sa mga magulang, kung ang kanilang mga anak ay naging matagumpay sa propesyon na kanilang pinili, kung naging maunlad sa buhay o sa business, at lalo na kung naging isang pari o relihiyoso. Sa parehong paraan, kapag ang isang anak ay naligaw ng landas, kinukuwestiyon natin ang tila kawalan ng responsibilidad ng magulang sa paggabay ng anak upang maging isa itong mabuting Kristiyano at mamamayan ng bansa.    Sa Mabuting Balita natin ngayon, narinig natin ang maigting na papuri na sinabi ng isang babae kay Hesus. Marahil, tumimo nang malalim sa puso ng babae na ito ang mga sinasabi ni Hesus, kung kaya di na niya napigilan ang kanyang sarili at napasigaw nang ganito: “pinagpala ang sinapupunang nagdala sa iyo…” Ang papuring ito ay tumutukoy kay Maria, na ating Ina, dahil siya ang nagdala kay Hesus ng siyam na buwan sa sinapupunan. Pero sinagot ni Hesus ang babae ng ganito: “Oo, ang totoo, higit na pinagpala ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at sumusunod dito.” Totoo, pinagpala si Maria sa pagdadala kay Hesus sa kanyang sinapupunan ng siyam na buwan at sa paggabay sa kanyang paglaki. Pero, binigyan diin ni Hesus na mas pinagpala ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at sumusunod dito. Kung magmumuni-muni tayo ng malalim sa sinabing ito ni Hesus, tumutukoy din sa Mahal na Ina ang mga salitang ito. Sa simula pa lang, naging Ina ni Hesus si Maria dahil siya’y nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos.  Mga kapanalig, ang pagiging blessed o pinagpala natin ay di nasusukat sa mga accomplishments, yaman, o katayuan sa lipunan, na ating kinabibilangan. Pinapaalalahanan tayo ng Mabuting Balita ngayon, na ang pinakamahalagang bagay na ating makakamit bilang tagasunod ni Kristo, ay ang manatiling bukas ang ating puso at kalooban, sa Salita ng Diyos at isabuhay ang itinuturo nito araw-araw.   -     Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 13, 2023

Embed this episode

Ready to play

Mabuting Balita l Oktubre 14, 2023 – Sabado l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:13

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 13, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!