Mabuting Balita l Oktubre 15, 2023 – Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 14, 2023 · 3 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 15, 2023 – Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 15, 2023 – Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 22:1-14 Muling nagsalita si Hesus sa pamamagitan ng mga Talinhaga: “Tungkol sa nagyayari sa kaharian ng Langit ang kwentong ito: May isang haring naghanda sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Ipinatawag niya sa mga katulong ang mga imbitado sa kasalan ngunit ayaw nilang dumalo. Muli niyang pinapunta ang iba pang mga katulong upang sabihin sa mga inanyayahan sa kasalan: ‘Naghanda ako ng pagkain, nagpatay ng mga toro at mga pinatabang hayop; handa na ang lahat kaya pumarito na kayo sa kasalan.’ Ngunit hindi nila pinansin ang paanyaya, sa halip ay may pumunta sa kanyang taniman, at sa kanyang negosyo naman ang isa pa. Sinunggaban naman ng iba pa ang mga katulong ng hari, nilibak at pinatay. Lubhang nagalit ang hari kaya’t ipinadala niya ang kanyang hukbo upang puksain ang mga mamamatay-tao at sunugin ang lunsod. At sinabi niya sa kanyang mga katulong: ‘Handa na ang kasalan ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Pumunta kayo ngayon sa dulo ng lunsod at anyayahan sa kasalan ang bawat makita ninyo.’ Kaya agad na lumabas sa mga daan ang mga katulong at tinipon ang lahat ng makita, masama at mabuti, at napuno ang kasalan ng mga nasa hapag. Pagkatapos ay dumating ang hari upang tingnan kung sino ang mga nasa hapag at napansin niya ang isang lalaking hindi nakadamit-pampeyesta. Kaya’t sinabi niya sa kanya: ‘Kaibigan, papaano ka nakapasok nang walang damit pangkasal?’ Ngunit hindi umimik ang tao. Kaya sinabi ng hari sa kanyang mga katulong: ‘Igapos ang kanyang mga kamay at paa, at itapon sa dilim, kung saan may iyakan at pagngangalit ng mga ngipin.’ Marami ngang talaga ang tinawag ngunit kakaunti ang pinili.” Pagninilay: Tampok din ang kasalan sa ating mabuting balita ngayong araw. Pinakita dito ang maganda at magarbong handaang inihanda ng hari. Nakita rin natin kung paano ito ini-snob ng mga taong unang nakabatid nito, pero hindi nagpatinag ang hari at binuksan ang masayang pagdiriwang para sa lahat. At nagsipuntahan ang lahat, pero may isang dumalo na hindi angkop ang kasuotan. At siya’y pinarusahan dahil dito. Mga kapanalig, tayong lahat din ay may imbitasyon mula sa Diyos, ang Ama nating hari. Pero ito’y hindi lamang para makidalo, makikain, at makisaya panandali. Ang Kanyang paanyaya ay tumuloy ng buong buo sa Kanyang tahanan at maging ganap na bahagi ng Kanyang pamilya. Tulad ng pagdalo sa kasal, ang ating pagtugon ay isang pangako na pang habambuhay. Kapanalig, paano ka ba tumutugon sa paanyaya ng Diyos? Sapat na ba para sayo ang pagsisimba at pagdarasal paminsan minsan? Tandaan: ang pagtugon sa Diyos ay dapat magdulot ng pagbabago ng ating pagkatao at pamumuhay. -     Fr. Albert Garong, SSP l Society of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 14, 2023

Embed this episode

Ready to play

Mabuting Balita l Oktubre 15, 2023 – Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 3:55

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 3 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 14, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!