Mabuting Balita l Oktubre 18, 2023 – Miyerkules l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 17, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 18, 2023 – Miyerkules l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 18, 2023 – Miyerkules l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 10:1-9 Humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu't dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan. Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa; idalangin niyo sa Panginoon ng ani na magpadala siya ng mga mangagawa sa kanyang ani. Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag niyong batiin ang sinuman sa daan. Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin muna ninyo: 'Mapasatahanang ito ang kapayapaan!' Kung mapayapang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan. At kung hindi'y magbabalik sa inyo ang inyong dasal. At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapalit-palit ng bahay. Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anumang ihain sa inyo. Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: “Palapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos.'”     Pagninilay: Kaming mga Daughters of St. Paul, nagbabahay-bahay kami dala-dala ang Biblia, mga books, minimedia at rosaries. Dala-dalawa kami. Minsan, nang mapansin namin na halos magkadikit ang bahay, nagkasundo kami na maghiwalay. Si Sister sa isang bahay, ako sa kabila. Nung kumatok ako, nagkakape ang mag-asawa na may-ari ng bahay. Pinapasok nila ako pinaikot ng lolo ang electric fan. Si lola naman, inabot sa akin ang isang tasa ng kapeng barako. Sabi niya, “O Sister, mainit-init pa ang kape, o. Inom na.” Sabay daw-daw ng daliri sa kape para ma-prove na pwede pang inumin.  Hindi ko tinanggihan ang kape.  Alam ko na galing sa kanyang puso ang pag-alok. Kaya hinigop ko at totoo naman na mainit-init pa.  Habang nag-eenjoy kami sa aming coffee, iba-iba ang napag-usapan namin. May masaya, may malungkot, may masakit, at mayroon namang puno ng pag-asa. Malamig na ang huling higop ko ng kape nang magpapaalam ako.  Nag-iwan ako sa kanila ng Banal na Biblia. Nang nakalabas na ako ng kanilang bahay, lalo kong na-treasure ang sinabi ng ating Hesus Maestro na “kanin at inumin anuman ang idulot sa inyo.” Ibang saya ang na-feel ko noon. Thankful ako dahil nagpalitan kami ng good news. Sa inabot ko sa kanilang Banal na Biblia, tinanggap ko naman at naging inspirasyon ang aklat ng kanilang buhay. Alam nyo ba? Hanggang ngayon, parang nalalasahan ko pa ang kanilang kape. -  Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 17, 2023

Embed this episode

Ready to play

Mabuting Balita l Oktubre 18, 2023 – Miyerkules l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:33

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 17, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!