EPISODE · Oct 18, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Oktubre 19, 2023 – Huwebes l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Oktubre 19, 2023 – Huwebes l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 11:47-54 Sinabi ni Hesus” Sawimpalad kayong nagtatayo ng mga puntod sa Mga Propetang pinatay ng inyong mga ama. Sa gayon ninyo inaamin at sinasang-ayunan ang mga ginawa ng inyong mga ama; iniligpit nila ang Mga Propeta, at makapagtatayo na kayo ngayon. At sinabi rin ng karunungan ng Diyos: “Nagsugo ako sa kanila ng Mga Propeta at mga apostol ngunit uusigin nila at papatayin ang ilan sa kanila. Kayat papapanagutin ang salinlahing ito sa dugo ng lahat ng propeta, sa dugong nabuhos mula pa sa pagkatatag ng mundo, mula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na nasawi sa pagitan ng altar at ng santuwaryo. Oo, sinasabi ko sa inyo, papapanagutin ang salinlahing ito. Sawimpalad kayong mga guro ng Batas na umagaw sa susi ng kaalaman. Hindi na kayo pumasok at hinahadlangan pa ninyo ang mga makapapasok.” Pagkatapos ay umalis si Hesus at sinimulan naman ng mga guro ng Batas at mga Pariseo na mahigpit na nakipagtalo sa kanya. Pinapagsalita nila siya tungkol sa maraming bagay at pilit na sinisilo sa anumang sinasabi niya. Pagninilay: Sa iilang tagpo lamang natin mababasa sa Mabuting Balita na mistulang naglalabas ng hinanaing ang ating Panginoong Hesukristo. Siguro sa mas madaling sabi—siya’y lubos lubusang naninindigan. Noong linisin niya ang templo sa pandarambong at masasamang kalakalan. At ngayon din ang kanyang paninindigan sa harap ng mga punong saserdote. Ang kanilang usapin tungkol sa dugo at haing alay ay umabot na sa sukdulan. Tinutuya na nila si Hesus, nag aabang ng kanyang salita na maaari nilang ipanghabla sa kanya. Mga kapanalig, isa lamang itong patunay na si Hesus ay sumasaatin at hindi lang basta peaceful coexistence ang kanyang nais—kundi isang bayang, oo payapa at nagmamahalan, pero nakabase sa katapatan at katotohanang hatid ni Hesus. Our love should be grounded on what is good and true. If not, then we did not love at all—plastic. Anong tinuturo sa atin ng Mabuting Balita ngayong araw? Sana matuto tayong manindigan. Hindi naman laging buhay ang ating tinataya. Pero kahit sa mga maliliit na bagay, upang mas mahayag ang katotohanan, katapatan, at kabutihang hatid ng paghahari ng Diyos. - Cl. Vinz Aurellano, SSP l Society of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Oktubre 19, 2023 – Huwebes l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.