Mabuting Balita l Oktubre 2, 2023 - Lunes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 2, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 2, 2023 - Lunes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 2, 2023 - Lunes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 18:1-5,10 Lumapit kay Hesus ang mga alagad at tinanong nila s’ya: “Sino ang mas una sa Kaharian ng Langit?” Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo na hanggang hindi kayo nagbabago at nagiging katulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Langit. At nagpapakababa gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinakamalaki sa Karihan ng Langit. At tinatanggap naman ako ng sinumang tatanggap sa batang ito nang dahil sa aking pangalan. Huwag sana ninyong hamakin ang isa sa maliliit na ito; talagang sinasabi ko sa inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang mga anghel sa Langit.” Pagninilay: Gaano ba kadalisa’y ang puso ng isang bata? Talaga nga bang malinis at mabuti ang ugali ng mga bata? Narinig natin sa ebanghelyo ang hamon ng Panginoong Hesus na kailangang tularan natin ang isang bata upang makamit ang Kaharian ng Langit.  Kailangan nating magpakababa katulad sa isang bata.  Paano ba magpakababa katulad ng isang bata?  Kung babalikan natin ang panahong tayo’y mga bata pa – talaga namang napakasarap maging isang bata, di ba?  Walang alalahanin sa buhay, walang problema, payapa ang isipan, malinis ang kalooban at parating masayahin.  Bilang mga musmos na wala pang alam sa buhay – nakaasa tayo sa ating magulang sa lahat ng ating pangangailangan.  Mababaw lang ang ating kaligayahan.  Kuntento na tayo sa maliliit o malalaking bagay man na ibinibigay sa atin ng ating magulang.  Kung meron man tayong nagawang kabutihan, ibinibida natin ito sa ating mga magulang at magkasama tayong nagdiriwang nang may kagalakan.  Mga kapatid, ang Diyos ang tumatayong magulang natin sa ,kasalukuyan.  Katulad ng isang bata, umasa tayo sa Kanya sa lahat ng ating pangangailangan.  Pero hindi ito nangangahulugang, uupo na lamang tayo at hindi na kikilos, at aantayin na lamang bumagsak ang biyaya mula sa kalangitan.  Ika nga ng isang kilalang manunulat na si Francis Cardinal Spellman, “Work as if everything depended on you… but pray, as if everything depended on God.”  Pinapaalalahanan tayo nito na sa lahat ng biyayang hinihingi natin sa Diyos, may kaakibat itong pagsisikap at pagtitiyaga upang makamtan natin ang ating mithiin.  Hilingin natin ang gabay at patnubay ng ating Anghel Tagatanod, nang makapamuhay tayong katulad ng isang bata – simple,mapagpakumbaba, masayahin at laging tumatalima sa kalooban ng Diyos. 

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 2, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Oktubre 2, 2023 - Lunes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:26

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 2, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!