EPISODE · Oct 22, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Oktubre 23, 2023 – Lunes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Oktubre 23, 2023 – Lunes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 12:13-21 Sinabi kay Hesus ng isa sa karamihan: “Guro, sabihin mo nga sa aking kapatid na hatian ako ng mana.” Ngunit sinabi ni Hesus sa kanya: “Kaibigan, sino ang nagtalaga sa akin bilang hukom o tagapaghati ninyo? “At sinabi niya sa mga tao: “Mag-ingat kayo at iwasan ang bawat uri ng kasakiman sapagkat magkaroon man ng marami ang tao, hindi sa kanyang mga ari-arian nakasalalay ang kanyang buhay.” At idinagdag pa ni Hesus ang isang talinhaga: “May isang taong mayaman na maraming tinubo sa kanyang lupain. Kaya nag-isip-isip siya: ‘Ano ang aking gagawin? Wala man lang akong mapagtipunan ng aking ani.’ At sinabi niya: ‘Ito ang aking gagawin, gigibain ko ang aking mga bodega at magtatayo ako ng mas malalaki; doon ko titipunin ang lahat kong trigo at ang iba pa. At masasabi ko na sa aking sarili: Kaibigan, marami ka ng ari-ariang nakalaan para sa maraming taon. Magpahinga ka, kumain, uminom at magsaya.’ Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos: ‘Hangal! Sa gabi ring ito, babawiin sa iyo ang iyong buhay. Mapapasakanino na ang iyong inihanda?’ Gayon din ang masasabi sa sinumang nag-iimpok ng yaman para sa kanyang sarili at walang tinitubo para sa Diyos.” Pagninilay: Narinig natin sa Mabuting Balita ang isang babala, na mag-ingat sa kasakiman. Ayon sa Aklat na- Anak ng Pitong Sala na sinulat ni Fr. Joseph Mendoza, ang kasakiman ay ang labis na paghahangad sa kayamanan at mga materyal na bagay. At ayon pa sa kanya, meron itong pitong anak – ang panlilinlang, pandaraya, kasinungalingan, pagsumpa nang walang katotohanan, pagkabalisa, karahasan at kawalang-awa. Kaya marami tayong nababalitaang magkakapatid na nag-aaway-away at nagpapatayan pa, dahil sa agawan ng mana. Kapag may isang sakim sa magkakapatid, pinag-uugatan ito ng karahasan at pagkabalisa sa pamilya. Kaya binibigyan tayong babala ng Mabuting Balita ngayon: “Sikapin ninyong mag-ingat sa lahat ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang ari-arian” (from verse 15). Kapag namatay tayo, hindi naman natin madadala ang kayamanan sa kabilang buhay. Iiwan natin ito dito sa lupa kasama ng mga alaala kung paano tayo nakipamuhay. Ikaw Kapanalig, anong alaala ang nais mong iwan? Hindi naman masama ang mag-ipon para sa ating kinabukasan. Ang ayaw ng Diyos ay ang labis na paghahangad ng kayamanan na nag-uudyok sa tao upang maging bulag sa pangangailangan ng kapwa, at mangdaya o manlinlang ng kapwa upang higit pang kumita ng mas maraming pera. Kapanalig, meron ka rin bang tendency na maging sakim? Isa lang ang lunas dyan, ang pagiging bukas-palad o pagtulong sa kapwa. - Sr. Lou Ranara, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
Ready to play
Mabuting Balita l Oktubre 23, 2023 – Lunes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.