Mabuting Balita l Oktubre 24, 2023 – Martes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 23, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 24, 2023 – Martes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 24, 2023 – Martes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 12,35-38 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Maghintay kayong bihis at handang maglingkod, na may nakasinding mga lampara. Maging tulad kayo ng mga taong naghihintay sa kanilang Panginoon. Pauwi s’ya mula sa kasalan at agad nilang mabubuksan ang pinto pagdating n’ya at pagkatok. Mapalad ang mga lingkod na iyon na matatagpuang naghihintay sa panginoon pagdating n’ya. Maniwala kayo sa akin, isusuot n’ya ang damit pantrabaho at pauupuin sila sa hapag at isa-isa silang pagsisilbihan. Dumating man s’ya sa hatinggabi o madaling-araw at matagpuan n’ya silang ganito, mapalad ang mga iyon!” Pagninilay: Be prepared! Siyempre alisto, o Laging handa! Ito ang Motto ng Boy Scout. Ito ang bilin ni Robert Baden-Powell, na tagapagtatag ng Boy Scouts.  Kanyang isinulat na “dapat, maging laging handa, sa katawan at isipan para magawang mabuti ang mga tungkulin.”  Parang ganito ang mensahe ng narinig nating Mabuting Balita ngayon, na tungkol sa pagkilos, pagiging handa o kahandaan para sa anumang agarang aksyon. Sinasabi nito sa atin, na dumarating ang Diyos sa pinaka hindi inaasahang panahon ng ating buhay.  Kaya hinihikayat tayong maging mas mapagmasid sa ating kapaligiran. Bagama't nakakaalarma ang mensahe ng Mabuting Balita, lalo na para sa mga taong hindi magawa ng maayos ang kanilang mga trabaho bilang isang lingkod ng Diyos.  Mga kapanalig, ang paghahanda mismo ay hindi dapat maging dahilan upang matakot tayo sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Sa halip, tanggapin ito bilang ating pagganyak na gawin ang pinakamahusay ayon sa mensahe ng Diyos.  At pagdating ng araw na iyon, ipinagdarasal natin ang kahandaan ng lahat na sumagot at maglingkod sa Diyos kapag tinawag niya tayo.  Gaya ng nabanggit ko kanina, ang original na intention ni Baden-Powell na motto, “laging handa” ay para lamang sa survival ng mga scouts. Pero naihanda rin sila nito na harapin ano man ang iniaalok na hamon sa kanila ng buhay.  Nawa, tayong lahat ay maging “laging handa” sa anumang nais sa atin ng Panginoong Diyos.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 23, 2023

Embed this episode

Ready to play

Mabuting Balita l Oktubre 24, 2023 – Martes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:07

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 23, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!