Mabuting Balita l Oktubre 26, 2023 – Huwebes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 25, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 26, 2023 – Huwebes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 26, 2023 – Huwebes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 12:49-53 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Dumating ako upang maghagis ng apoy sa lupa, at ganoon na lamang ang pagnanais kong magliyab na sana ito! Ngunit dapat akong mabinyagan ng isang binyag, at ganoon na lamang ang pagkabalisa ko hanggang hindi ito nagaganap! Sa akala ba ninyo’y dumating ako para magbigay ng kapayapaan sa lupa? Hindi, sinasabi ko sa inyo, Kundi paghihiwa-hiwalay! Sapagkat mula ngayo’y magkakahati-hati ang limang nasa isang sambayanan, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo; magkakahati-hati sila; ama laban sa anak na lalaki at anak na lalaki laban sa ama, ina laban sa anak na babae at anak na babae laban sa ina, biyenang babae laban sa kanyang manugang na babae at manugang na babae laban sa biyenang babae.” Pagninilay: Sa unang pandinig, tila hindi Mabuting Balita ang hatid ng ebanghelyo. Dahil sinabi ni Hesus na sa Kanyang pagdating, hindi kapayapaan ang Kanyang dala kundi pagkakahiwa-hiwalay, magkakahati-hati ang sambahayan: ang anak na lalaki laban sa ama, ina laban sa anak na babae, at biyenang babae laban sa manugang na babae.  Kung papansinin natin ang mga sambahayan ngayon – totoong nangyayari ang pagkakahati-hating ito.  Pero ito nga ba talaga ang hatid ng Panginoon sa atin, ang maghasik ng kaguluhan?  Mga kapatid, huwag nating gawing literal ang pag-unawa sa mga katagang binanggit ni Jesus.  Sa halip dapat natin itong unawain na kapag sineryoso nating sundin ang Kanyang mga itinuturo, at mamuhay tayo nang naaayon sa Kanyang kalooban at pamantayan – siguradong maraming sasalungat at uusig sa atin, maging sa loob ng ating tahanan.  Halimbawa sa ugnayan ng pamilya, nagkakaroon ng mga pagkakahati-hati sa tuwing hindi magtugma ang prinsipyo at mga pinapahalagahan ng bawat miyembro. Lahat nag-aangkin na sila’y tama, walang gustong magparaya, walang gusting makinig.  Ang resulta katakot-takot na away na minsan humahantong pa sa samaan ng loob at hiwalayan.  Gayundin ang nangyayari sa ugnayan ng ating Pamahalaan at Simbahan.  Maraming usapin sa lipunan na magkaiba ang paninindigan ng pamahalaan at Simbahan. Katulad ng pagpapahalaga sa buhay ng tao, ang mainit na usapin tungkol sa diborsyo, ang umiiral na human rights violations tulad ng red tagging, harassment of activists at journalists at marami pang iba.  Dahil hindi magtugma ang mga pinahahalagahan at priyoridad - nagdudulot ito ng tensiyon sa pagitan ng magkabilang panig.  Mga kapatid, isang malaking hamon ito sa atin. Na sa kabila ng mga pagsalungat at pagkakahati-hating ating nararanasan, panghawakan natin ang turo ng Panginoon.  Ito ang magsisilbing gabay natin na piliin ang tama at mabuti sa kabila ng magkakaibang paninindigan at pinahahalagahan sa ating lipunan.   

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 25, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Oktubre 26, 2023 – Huwebes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:43

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 25, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!