Mabuting Balita l Oktubre 27, 2023 – Biyernes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 26, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 27, 2023 – Biyernes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 27, 2023 – Biyernes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 12:54-59 Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Kapag nakita ninyong tumataas ang ulap sa kanluran, kaagad ninyong sinasabi, ‘Uulan,’ at ganoon nga ang nangyayari. At kung umiihip naman ang hangin galing timog, sinasabi ninyong ‘Magiging napakainit,’ at nangyayari nga ito. Mga mapagkunwari! Nabibigyan ninyo ng kahulugan ang anyo ng lupa at Langit ngunit bakit hindi ninyo sinusuri kung ano ang panahong ito? At bakit hindi kayo mismo ang makapagpasya kung ano ang tama? Sa pagpunta mo sa maykapangyarihan kasama ng kalaban mo, sikapin mong makipag-areglo sa kanya sa daan; baka iharap ka sa hukom at ibigay ka naman ng hukom sa pulis para ipakulong sa bilangguan. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hanggang hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”   Pagninilay: Marami sa atin ang mahusay mag interpret ng mga palatandaan ng panahon pero sarado naman ang puso at isipan sa mensahe na nais iparating ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang salita.  Minsan ang mga pangyayari sa ating buhay at ang nagaganap sa ating kapaligiran ay ginagamit ng Diyos na mga paraan upang maiparating Niya sa atin ang Kanyang mensahe. Naalala ko ang kuwento ng isang lalaki na lumabas ng isang store, at nakita sa sidewalk ang isang homeless person na naghahalungkat sa trash can. Ang homeless ay may hawak na supot na ang laman ay kalahating hamburger at ilang French fries. Lumapit ang lalaki at tinanong ang homeless. “Hindi ka pa kumain?” Umiling ang homeless. Ang wika ng lalaki, “halika, sumama ka sa akin at ibibili kita ng pagkain.” Pumasok sila sa isang fastfood at ibinili ang homeless man ng mainit na pagkain. Labis-labis ang pasasalamat ng homeless person sa kabutihang loob na ipinakita ng lalaki sa kanya. Ikinuwento niya sa lalaking tumulong, ang kanyang buhay, ang pagkamatay ng kanyang kapatid, at siya naman ay may sakit na kanser at aniya hindi na rin magtatagal ang kanyang buhay. Pero sa kanyang pagkukuwento, napansin ng lalaki na walang hinanakit ang homeless, sa halip lubos-lubos ang kanyang pasasalamat, at sinabi pa niya. “Ipinagdasal kita ngayon. Dininig ng Diyos ang aking panalangin. Nagdasal ako na sana, makakain ako ng mainit na pagkain ngayong araw na ito. At ipinadala ka ng Diyos sa akin. Salamat ng marami.” Naantig ang puso ng lalaking tumulong. Sa kaibuturan ng kanyang puso, nagpapasalamat din siya sa pagkakataong ito na malaman, na hindi kung ano ang ginagawa natin ang mahalaga, kundi ang pagmamahal at pagmamalasakit na ating ibinibigay dito, ang gumagawa ng pagkakaiba.  Mga kapanalig, kadalasan, winawalang halaga natin ang mga karaniwang bagay na ginagawa natin. Pero ang pusong bukas sa mga pahiwatig ng biyaya na mula sa Diyos, ay bukas palad na tutugon sa paanyaya ng Diyos na gumawa ng mabuti sa kapwa.    -     Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 26, 2023

Embed this episode

Ready to play

Mabuting Balita l Oktubre 27, 2023 – Biyernes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:47

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 26, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!