Mabuting Balita l Oktubre 29, 2023 – Ika-30 l Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 28, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 29, 2023 – Ika-30 l Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 29, 2023 – Ika-30 l Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 22,34-40 Narinig ng mga Pariseo na napatahimik ni Hesus ang mga Sadduseo, at sumang-ayon sila sa kanya. Kaya’t sinubukan siya ng isa sa kanila na isang guro ng Batas sa tanong na ito: “Guro, ano ang pinakamahalagang utos ng Batas?” “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa at nang buo mong pag-iisip. Ito ang una at pinakamahalagang utos. Ngunit may isa pang ikalawa na tulad nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ Sa dalawang utos na ito nabubuod ang buong Batas at Mga Propeta.” Pagninilay: Sa Ebanghelyong ating narinig, hindi isang pagano ang nagtanong kay Hesus.  Isa itong Pariseo, isang mananampalataya at dalubhasa sa Batas.  Gayunpaman, lumapit siya kay Hesus hindi upang makatagpo ng katotohanan, kundi upang subukin ito.  Sa kabila ng maitim na balak ng Pariseo, matiyaga pa ring nagturo si Hesus.  Batid Niya kung paanong pinahihirapan ng Anim na raan at Labintatlong (613) mga batas ang mga karaniwang tao.  Puno sila ng takot na maaaring nilalabag nila ang mga utos.  Tuloy, nais nilang malaman ang pinakamahalagang batas, sa pag-iingat na hindi ito malabag at masunod nila ito ng buong katapatan.  Bilang tugon sa kanyang tanong, hindi nag-atubili si Hesus sa pagtukoy sa isang bahagi ng aklat ng Deuteronomio.  Ito ang Shema Israel, ang panalanging kinagisnan at dinarasal ng bawat Judio sa umaga at gabi.  Dinggin ninyo mga Isrealita:  si Yawe lamang ang Diyos.  Ibigin ninyo Siya ng buong puso, kaluluwa at lakas.  Hindi nakakagulat ang tugon ni Hesus; ang nakakagulat, nang dugtungan Niya ang Kanyang sagot ng isa pang utos:  Ibigin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.  Mga kapatid, pinag-isa ni Hesus ang dalawang utos at sinabing ito ang pinakamahalagang utos sa lahat.  Iminumulat Niya ang tao sa katotohanang katumbas ng ating pag-ibig sa Diyos, ang pag-ibig natin sa’ting kapwa.  Ayon pa nga sa Unang sulat ni San Juan:  Kung ang kapatid na iyong nakikita, hindi mo maibig, paano mo maiibig ang Diyos na hindi mo nakikita?  Sa ating pang-araw-araw na buhay, paano tayo nakatutugon sa panawagang ito ng Panginoon na “Ibigin ang Diyos nang higit sa lahat, at ibigin ang kapwa gaya ng sarili?”  Panginoon, nababatid ko po na hindi ko kayang ibigin ang aking kapwa, kung wala akong wastong pagmamahal sa aking sarili.  Puspusin Mo po ako nang Iyong pagmamahal at tulungang mahalin at patawarin ang aking sarili, nang maibahagi ko ang biyayang ito sa aking kapwa. Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 28, 2023

Embed this episode

Ready to play

Mabuting Balita l Oktubre 29, 2023 – Ika-30 l Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:40

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 28, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!