Mabuting Balita l Oktubre 3, 2023 – Martes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 2, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 3, 2023 – Martes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 3, 2023 – Martes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 9:51-56 Nang papalapit na ang panahon ng pag-aakyat sa kanya, tahasang ipinasya ni Hesus na pumunta sa Jerusalem. Nagpadala s’ya ng mga sugo upang mauna sa kanya at pumasok sila sa nayon ng mga Samaritano para ihanda ang kanyang matutuluyan. Ngunit ayaw nila siyang tanggapin dahil papunta s’ya sa Jerusalem. Kaya sinabi sa kanya ng kanyang mga alagad na sina Jaime at Juan: “Panginoon, gusto mo bang tumawag kami ng apoy na babagsak mula sa Langit para puksain sila?” Lumingon si Hesus at pinagwikaan sila at sa ibang bayan sila nagpunta.   Pagninilay: Hindi pinahintulutan ng mga Samaritano na dumaan si Hesus at ang kanyang mga alagad sa kanilang bayan nang malaman nila na patungo sila sa Jerusalem. Kung babalikan natin ang kasaysayan ng mga Hudyo at Samaritano, napakalalim ang pinag-ugatan ng kanilang hidwaan. Itinuturing ng mga Hudyo na marumi ang mga Samaritano dahil sa kanilang pakikipag ugnayan at pagpapakasal sa ibang lahi. Dahil ang mga Hudyo ay piniling lahi, itinuturing nila ang kanilang sarili na puro at malinis, at mas mataas sa ibang mga tao.   Kaya hindi kataka-takang magalit nang todo sina Juan at Santiago. Para sa kanila napakalaking insulto ang ginawa ng mga samaritano. Sa galit ng magkapatid agad nilang iminungkahi kay Hesus na magpabagsak ng apoymula sa langit upang matupok ang mga Samaritano. Kapanalig, nakita mo ba ang iyong sarili sa inasal nina Santiago at Juan? Ang karaniwan nating ugali pag tayo’y nasaktan ay makaganti sa kapwa. At hindi lamang basta makaganti, dapat mas matindi pa ang sakit na mararamdaman ng taong ating pinaghihigantihan. Napakasamang ugali ito, di ba? Taliwas na taliwas sa utos ni Hesus na “mahalin ang ating kapwa, at ipanalangin ang taong nakasakit sa atin.”  Kapag nakaharap natin ang isang taong itinuturing nating kaaway dahil nasaktan tayo o nakagawa ng masama sa ating pamilya, ang ating natural na reaksyon ay makaganti, gusto natin na may mangyaring masama sa taong ito na mas malala pa sa naranasan natin.   Pero hindi iyon ang paraan ni Hesus. Sinaway niya ang magkapatid na Santiago at Juan sa kanilang marahas na pamamaraan. Sa halip, pinili ni Hesus ang isang mahinahon na tugon, at nagpasyang baguhin ang direksyon upang hindi dumaan sa nayon ng mga Samaritano. Mga Kapanalig, meron ba tayong kababaang-loob na kilalanin at aminin ang ugali nating mapaghiganti sa mga nagkasala sa atin?  Ipinakita sa atin ni Hesus kung paano kumilos kapag nahaharap sa ganitong sitwasyon. Tumawag tayo kay Hesus upang tulungan tayong yakapin at sundin ang kanyang mga halimbawa.   -     Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 2, 2023

Embed this episode

Ready to play

Mabuting Balita l Oktubre 3, 2023 – Martes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:34

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 2, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!