EPISODE · Oct 29, 2023 · 3 MIN
Mabuting Balita l Oktubre 30, 2023 – Lunes ng Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Oktubre 30, 2023 – Lunes ng Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 13: 10-17 Nagtuturosi Hesus sa isang sinagoga sa Araw ng Pahinga, at may isang babae roon. Labingwalong taon na s’yang may espiritung nagbibigay-sakit; nagkakandakuba na s’ya at di makatingala. Pagkakita sa kanya ni Hesus, tinawag s’ya nito at sinabi: “Babae, lumaya ka sa iyong sakit”. Ipinatong nito sa kanya ang mga kamay at agad na nakatayo nang matuwid ang babae at nagpuri sa Diyos. Nagalit ang pinuno ng sinagoga dahil nagpagaling si Hesus sa Araw ng Pahinga kaya sinabi n’ya sa mga tao: “May anim na araw para magtrabaho kaya sa mga araw na iyon kayo pumarito para mapagaling, hindi sa Araw ng Pahinga!” “Mga mapagkunwari, hindi ba’t kinakalagan ng bawat isa sa inyo ang kanyang baka o asno mula sa sabsaban nito sa Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin? At isang babae naman ang narito na Anak ni Abraham na labinwalong taon nang iginapos ni Satanas. Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng Pahinga?” Napahiya ang lahat niyang kalaban pagkarinig sa kanya pero nagalak naman ang mga tao sa lahat ng kahanga-hangang ginagawa ni Hesus. Pagninilay: Paki Check nga ang ating likod. Hukot ba tulad ng babae sa Mabuting Balita? Hukot physically, emotionally o spiritually. Ikaw lang ang makapagsasabi. Sobrang bigat ba ng iniinda mong sakit? Heart break ba? O mga sala na iyong nagawa na hanggang ngayon, nagdurusa ang iyong budhi? Pansinin natin, marami sa atin ang hindi prepared sa karamdaman. Madalas, we fail to admit that we are getting older. Kapag naharap naman tayo sa masakit na paghihiwalay, gusto nang kitilin ang sariling buhay. Kahirap umunat kapag bogged down na’ng spirit natin dahil nahihiya tayong humingi ng tawad. Dito nagsisimula ang kalungkutan. Gusto nating maging manhid, pero sa puso natin parang may kuliglig. Kapanalig, illness, heartaches and weaknesses bahagi ito ng ating human condition. Kung tutuusin, ang karamdaman, kahinaan at kasalanan ang nagdadala sa atin sa sentro ng atensyon ng ating Panginoon. Tulad ng hukot na babae. Nandoon siya sa sinagoga at na-fix ang mata ng ating Panginoon sa kanya. Nasuri ng Banal na Mata ng ating Hesus Maestro ang nagpapahirap na masamang Espiritu sa kanya. Nasilip din ang kanyang pagod na puso. Hindi naman siya ang tumawag kay Hesus, di ba? Si Hesus mismo ang tumawag sa kanya. Kaya kapanalig, kalma lang. I'm sure, bago ka pa tumawag sa Kanya, nagsisimula na ang process ng iyong healing and soul cleansing. Nakafocus ang tingin Niya sa iyo. Pakinggan mo ngayon, tinatawag ka Niya at sinasabing: “Magaling ka na.” - Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
Ready to play
Mabuting Balita l Oktubre 30, 2023 – Lunes ng Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.