Mabuting Balita l Oktubre 31, 2023 – Martes l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 30, 2023 · 3 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 31, 2023 – Martes l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 31, 2023 – Martes l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 13,18-21 Sinabi ni Hesus: “Ano ang katulad ng Kaharian ng Diyos? Sa ano ito maikukumpara? Tulad ito sa buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at itinanim sa kanyang hardin: lumaki, naging parang puno at sumisilong sa kanyang mga sanga ang mga ibon ng Langit.” At sinabi niya uli: “Sa ano ko ikukumpara ang Kaharian ng Diyos? Katulad ito ng lebadura na kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.”     Pagninilay: Ang dalawang talinghaga ni Hesus sa ating Mabuting Balita ngayon ay tungkol sa kaharian ng Diyos. Ang una ay ang talinghaga ng binhing mustasa at ang ikalawa ay ang talinghaga ng lebadura. Ang mga talinghaga na ito ay nagtuturo sa atin ng ilang mahahalagang aral tungkol sa kaharian ng Diyos. Una, ang kaharian ng Diyos ay hindi agad-agad na makikita o mararamdaman sa simula. Nagsisimula ito sa isang maliit at simpleng paraan, tulad ng isang binhi o lebadura. Pero may kakayahang itong lumago at magbago sa buhay ng mga taong tumatanggap dito. Ikalawa, ang kaharian ng Diyos ay hindi limitado sa isang lugar o grupo ng tao. Ito ay para sa lahat ng mga nilalang na nais sumunod at makisama sa Diyos. Tulad ng puno na nagbigay ng tirahan sa iba't ibang uri ng ibon, at tulad ng lebadura na nagpapalaki sa buong masa, ang kaharian ng Diyos ay nagbibigay ng pagkakataon at pag-asa sa lahat. Mga kapanalig, alam natin na ang Diyos ay patuloy na gumagawa at nagpapalago sa atin, kahit na hindi natin ito agad-agad napapansin. Alam rin natin na ang Diyos ay hindi namimili o nangungutya sa sinuman, kundi bukas at mapagbigay sa lahat. Nais niyang ang lahat ay maging bahagi ng kanyang kaharian, na puno ng pag-ibig, kapayapaan, at katarungan.  - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Arch. of Manila  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 30, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Oktubre 31, 2023 – Martes l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 3:40

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 3 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 30, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!