Mabuting Balita l Oktubre 6, 2023 – Biyernes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 5, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 6, 2023 – Biyernes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 6, 2023 – Biyernes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 10:13-16 Sinabi ni Hesus, “Sawimpalad ka Corazin! Sawimpalad ka Betsaida! kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sana siyang nag damit sako at naupo sa abo at nakapagbalik loob. Kaya magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon kaysa inyo sa araw ng pag hatol. At ikaw naman Capernaum, dadakilain ka, kaya hanggang sa langit? Hindi ibubulid ka sa impyerno. Ako ang dinidinig ng nakikinig sa inyo; at ako ang di tinatanggap ng di tumatanggap sa inyo. At ang di tumatanggap sa akin ay di tumatanggap sa akin”.     Pagninilay: Wala gaanong tala tungkol sa bayan ng Corazin, ang isa pang binanggit na bayan sa ating Mabuting Balita ngayong araw ay Bethsaida. Ang Bethsaida po ang lugar kung saan galing sina Apostol San Pedro, Andres, at Felipe—ayon sa Mabuting Balita ni San Juan. Beit ibig sabihin sa salitang hebreo “bahaytahanan” at tzed ibig sabihin “fishing o hunting.” Kaya nga’t sa wikang ingles pwede natin itranslate bilang “house of fishermen o house of hunters.” Sa lugar na malapit sa Bethsaida naganap ang pagpapagaling ni Hesus ng isang bulag (mula sa Mabuting Balita ni San Marcos), pati na din ang pagpapakain sa limang-libo katao (mula sa Mabuting Balita ni San Lucas).   Dismayado ang ating Panginoong Hesukristo sa ating Mabuting Balita ngayong araw. Siguro ang tanong, ano ba ang ginawa ng mga bayang ito, at sila’y sinabihang kaawa-awa? Simple lang—dahil hindi sila nakinig at nagsisi sa kanilang mga maling gawa, kahit na nasa harap na nila ang mabubuting dulot ng paghahari ng Diyos. Mga Kapanalig, sana’y hindi tayo basta nabibighani sa mga Milagro o extraordinaryong mga bagay ukol sa ating Pananampalataya sa Diyos. Sapat na ang makinig, magsisi, at tumalikod sa mga maling gawa. Tulad na lamang ng ating Unang pagbasa, ang marubdob na pagsisisi ng bayang Israel noong sila’y nasa ilang. “Hindi kami nakinig, nagmarunong kami gamit ang maduming puso, kaya’t gumawa kami ng masasama sa harap ng Diyos.”  Kung tunay tayong makikinig sa Diyos, magsisi’t magbabagong loob—hindi Niya pagtutuunan ng pansin ang ating mga kahinaan—mas mahalaga sa Kanya ang ating hangarin at kalooban na sumunod at makinig sa Kanya sa kabila ng ating kahinaan.     -      Cl. Vinz Aurellano, SSP l Society of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 5, 2023

Embed this episode

Ready to play

Mabuting Balita l Oktubre 6, 2023 – Biyernes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:11

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 5, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!