Mabuting Balita l Oktubre 9, 2023 – Lunes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Oct 8, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Oktubre 9, 2023 – Lunes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Oktubre 9, 2023 – Lunes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 10:25-37 May tumindig na isang guro nang Batas upang subukin si Hesus. “Guro, ano ang aking gagawin upang makamit ang buhay na walang hanggan?” “Ano ba ang nasusulat sa Batas, at paano mo ito naiitindihan?” “Mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso at nang buo mong kaluluwa at nang buo mong lakas at nang buo mong pag-iisip. At nasusulat din naman: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” “Tama ang sagot mo. Gawin mo ito at mabubuhay ka.” Ngunit gustong mangatwiran ng guro ng Batas kaya sinabi niya kay Hesus: “At sino naman ang aking kapwa?” Sinagot siya si Hesus: “May isang taong bumaba mula sa Jerusalem papunta sa Jerico at nahulog siya sa kamay ng mga tulisan. Hinubaran siya ng mga ito at binugbog at saka iniwang halos patay na. Nagkataon namang may isang paring pababa rin sa daang iyon. Pagkakita sa kanya, lumihis ito ng daan. Gayundin naman, may isang Levitang napadaan sa lugar na iyon; nang makita siya’y lumihis din ito ng daan. Ngunit may isang Samaritano namang naglalakbay na napadaan sa kinaroroonan niya; pagkakita nito sa kanya, naawa ito sa kanya. Kaya’t lumapit ito, binuhusan ng langis at alak ang kanyang mga sugat at binendahan. Isinakay nito ang tao sa kanyang sariling hayop at dinala sa isang bahay-panuluyan at inalagaan. Kinabukasan, dumukot ang Samaritano ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi: ‘Alagaan mo siya; sasagutin ko ang anumang karagdagang gastos pagbabalik ko.’” At sinabi ni Hesus: “Sa palagay mo sino sa tatlong ito ang naging kapwa sa taong nahulog sa kamay ng mga tulisan?” “Ang nagdalang-habag sa kanya.” Kaya sinabi ni Hesus sa kanya: “Humayo ka’t ganoon din ang gawin.”   Pagninilay: Sino ang aking kapwa? Ito yung tanong ng isang dalubhasa kay Hesus, hindi dahil sa gusto talaga niyang matuto, kundi para maipakita ang kanyang pagiging mas matuwid o mas marunong pa sa iba. Gusto niyang subukan si Hesus, na mismong Banal na Karunungan ng Diyos na nagkatawang tao. Pero gusto din siyang turuan ni Hesus at ipaunawa sa kanya, na wag mag-marunong. Hindi niya inakalang ang mga Samaritano, na mababa sa paningin nila – ang babanggitin ni Hesus na nagpapakita ng pakikipagkapwa-tao. Dito, ipinakita ni Hesus na hindi tayo dapat tumitingin sa estado ng isang tao, at husgahan ang kanilang pagkatao, dahil baka mas mabuti pa sila sa atin, mas marunong makipagkapwa, tumulong at dumamay sa iba.  Kapanalig, ito ang natural na gawain ng taong bukas sa awa at pagmamahal ng Diyos.   Manalangin tayo: Panginoong Hesus, turuan Mo po kaming patuloy na makinig sa Iyo upang mas lalo kaming lumago sa karunungan, pagpapakumbaba at pakikipagkapwa. Amen.    -  Sr. Reajoy San Luis, fsp l Daughters of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Oct 8, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Oktubre 9, 2023 – Lunes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:22

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on October 8, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!