Mabuting Balita l Pebrero 1, 2024 – Huwebes l Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Jan 31, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 1, 2024 – Huwebes l Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 1, 2024 – Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon    Santa Brigida ng Irlanda Ebanghelyo:  Mk 6:7-13 Tinawag ni Hesus ang Labindalawa at sinimulang isugo sila nang dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihan sa mga maruming espiritu. At sinabihan niya silang huwag magdala ng anuman para sa paglalakbay kundi tungkod lamang. Walang pagkain, walang pitaka o pera sa sinturon. Nakasandalyas at may isang damit lamang. At sinabi niya sa kanila:” Pagtuloy n'yo sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang sa pag-alis n'yo mula roon. Kung may lugar na hindi tatanggap o makikinig sa inyo, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal sa kanila. At pag-alis nila, ipinangaral nila ang pagbabalik-loob. Maraming demonyo ang kanilang pinalayas at marami ring may-sakit ang pinagaling nila sa pagpapahid ng langis.   Pagninilay: Sa narinig nating Mabuting Balita, marahil sasabihin ninyo, tila hindi naman yata praktikal ang tagubilin ng Panginoong Hesus sa labindalawang alagad. Biruin mo, susugod ka sa misyon nang walang dalang anuman, maliban sa tungkod?  Siguro noong kapanahunan ng Panginoon, pupwede pa ang kalakarang ito.  Pero sa panahon natin ngayon, na mahirap ang buhay, parang mag-aalinlangan tayong humayo at maglakbay, nang walang dalang sapat na damit at pera, para tugunan ang ating pangangailangan.  Ibig bang sabihin nito, hindi na angkop sa panahon natin ngayon ang mensahe ng Mabuting Balita?  Hindi naman sa ganun!  Sa katunayan, isang malaking hamon ito, lalo na sa mga misyonerong katulad namin, na lumago sa pagtitiwala sa kabutihang-loob ng Diyos.  Sabi pa nga ng Panginoon sa Mateo 6:33: “Seek ye first the Kingdom of God and His righteousness; and all these things shall be added unto you.” Gaano ito katotoo sa iyong pang araw-araw na karanasan sa buhay?  Kaming mga Daughters of St. Paul, maraming beses naming naranasan ang walang hanggang pagkalinga at paggabay ng Diyos, habang sinasagawa ang Kanyang misyon. Humahayo kami ng dala-dalawa, sa pagbisita ng mga pamilya, dala ang Biblia, at iba pang value formation books na makakatulong sa paghubog ng kamalayan at pananampalataya ng mga pamilyang aming binibisita. Ni minsan, hindi namin naranasan ang magutom. Nakikituloy kami sa mga bahay na bukas-loob kaming tinatanggap, at sa tulong ng parish priest at mga laykong katuwang ng mga pari, naihahatid namin ang Mabuting Balita ng Panginoon, at nagkakaroon ng bible enthronement sa mga tahanang aming binibisita.  Patunay lamang ito, na tapat ang Diyos sa Kanyang pangako, na hinding-hindi ka Niya pababayaan sa pagsagawa ng Kanyang misyon. Ipo-provide niya ang iyong materyal, maging ang espiritwal mong pangangailangan.  Marahil sa pag-utos ng Panginoon na wag magdala ng anuman nais lamang Niyang ipaalala sa mga alagad, at sa atin din, na sa pagsagawa ng Kanyang misyon, na huwag matuon ang ating pansin sa mga panlabas na paghahanda.  Kundi, mas bigyang pansin ang espiritwal na paghahanda, ang paghahanda ng puso at buong pagkatao, upang maging marapat na tagapagdala ng Mabuting Balita.  Nais din ng Panginoon na taglayin ng Kanyang mga misyonero – ang pagiging simple at mababang-loob. Mga kapanalig, hindi lamang patungkol sa mga pari, madre at mga laykong misyonero ang panawagang ito.  Patungkol din ito sa lahat ng mga binyagang Kristiyano.  Tayong lahat ay mga misyonero – na inatasan ng Panginoong Hesus na maging buhay na saksi ng Kanyang paghahari sa kasaluyang panahon, sa paraan ng ating pamumuhay.  Sikapin nawa nating mamuhay sa kabanalan at pagmamahal – dahil baka tayo mismo, ang Bibliya, na binabasa ng mga taong nakapaligid sa atin. Manalangin tayo:  Panginoon, dagdagan Mo po ang aking pananampalataya at pagtitiwala sa’Yong kagandahang-loob.  Puspusin Mo po ako ng Iyong Banal na Espiritu nang maging buhay na saksi ako ng Iyong pananatili sa kasalukuyang mundo, Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jan 31, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 1, 2024 – Huwebes l Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon

0:00 4:16

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on January 31, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!