Mabuting Balita l Pebrero 11, 2024 - Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)	 episode artwork

EPISODE · Feb 10, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 11, 2024 - Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 11, 2024 - Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)   Ebanghelyo:  Marcos 1:40-45 Lumapit sa kanya ang isang may ketong at nakiusap sa kanya: “Kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyon, iniwan ang lalaki ng kanyang ketong at luminis siya. Ngunit mahigpit siyang pinagbilinan ni Jesus sa kanyang pag-alis, sinabi niya: “Mag-ingat ka, huwag mo itong sabihin kaninuman, kundi pumunta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang sa pagkalinis sa iyo ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay.” Ngunit pagkaalis ng tao, sinimulan niyang ipahayag ito kahit saan at ipamalita ang pangyayaring ito. Dahil dito, hindi na lantarang makapasok sa bayan si Jesus kundi nanatili siya sa labas, sa mga ilang na lugar. Ngunit may dumarating pa rin sa kanya na kung saan-saan galing.   Pagninilay: Noon, kapag nagkukuwentuhan kaming magkakaibigan, ang madalas na pinag-uusapan (maliban sa Diyos) ay pagkain, magandang lugar at gawain sa bakasyon at marami pang iba. 51 years old na ako ngayon (bata pa rin kahit papaano), at may napansin ako. May nadagdag na topic sa kuwentuhan—efficacent oil, doctor, iba’t ibang gamot at marami pang iba. Ganun yata talaga kapag tumatanda, nakakaramdam na ng iba’t ibang sakit. Haaay…  Sa ating Mabuting Balita, narinig natin ang tungkol din sa isang sakit, ketong. Ayon sa aklat ng Leviticus (13:2), “Kung ang balat ninuman ay mamaga, magnana o kaya'y magkaroon ng parang singaw, at ang mga ito'y maging sakit sa balat na parang ketong, dapat siyang dalhin kay Aaron o sa mga anak niyang pari.” Ang epekto: tinuturing na magkaka-ketong ang mga may sakit sa balat tulad ng pimples, acne, eczema, psoriasis, an-an or buni. Naku, ang hirap naman noon!!! Parang pandemic lang: noon ang basta inubo at sinipon ay suspect na may covid!!!  Sa panahon ni Hesus, kinatatakutan ang ketong! Kapag meron ka nito, ikaw ay ititiwalag, hinihiwalay at pinandidirihan! Ang paniniwala kasi, parusa ito na ipinataw ng Diyos sa tao, dahil sa kanyang malaking kasalanan o sa kasalanan ng lahi nila.  Ramdam ni Hesus ang abang kalagayan ng mga ketongin: yung pinandidirihan, mababa ang tingin at hindi tinatanggap sa lipunan. Kaya hindi nagdalawang isip si Hesus na pagalingin ang ketongin. Hindi lamang niya nilinis ang kanyang sugat, kundi hinilom niya ang sakit na ibinigay ng Lipunan.  Mga kapanalig, mahirap magkasakit. Pero mas mahirap kapag ikaw ay iniwan at nag-iisa. Ibahin mo ang Diyos. Kahit anong mangyari, hinding-hindi tayo iiwan. Mapagmahal ang Diyos. Siya ang Emmanuel. Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 10, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 11, 2024 - Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

0:00 4:56

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 10, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!