Mabuting Balita l Pebrero 13, 2024 – Martes l Ikaanim na Linggo ng Karaniwang Panahon    episode artwork

EPISODE · Feb 12, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 13, 2024 – Martes l Ikaanim na Linggo ng Karaniwang Panahon  

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 13, 2024 – Martes sa Ikaanim na Linggo ng Karaniwang Panahon   Santa Catalina de Ricci Ebanghelyo:  Mk 8:14-21 Nakalimutan ng mga alagad na magadala ng tinapay at isa lang ang dala nila sa bangka. At pinagsabihan sila ni Hesus:  “Mag-ingat at huwag magtiwala sa lebadura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes.”  At sinabi ng mga alagad sa isa't isa:  “Oo nga, ano? Wala tayong dalang tinapay.” Alam ni Hesus ang mga ito kaya sinabi niya sa kanila: “Bakit ninyo pinag-uusapan ang tinapay na wala sa inyo? Hindi pa ba ninyo maisip at maunawaan? Mapurol ba ang inyong pag-iisip? May mata kayong di nakakakita at may tengang di nakakarinig? Hindi ba ninyo naaalala nang pinira-piraso ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang basket na puno ng mga pira-piraso ang inyong naipon?”  At sumagot sila:  “Labindalawa.”  “At nang may pitong tinapay para sa apat na libo, ilang bayong na puno ng mga pira-piraso ang inyong naipon?” At sumagot sila:  “Pito.”  At sinabi ni Hesus:  “Hindi pa ba ninyo nauunawaan?”    Pagninilay: Hindi maipagkakailang may pagkahilig tayong mga Pilipino, sa panlabas na kaanyuan. Isa siguro sa mga dahilan, kung bakit napakaganda ng Pasko sa Pilipinas ay dahil sa mga dekorasyon – mga Christmas lights na kumukuti-kutitap, mga parol na naglalakihan, mga awiting Pamasko na September pa lang ay namamayagpag na sa mga radyo, at iba pa. Kaya lang kung minsan, sa hilig natin sa garbo at pa-wow na effect, nakakaligtaan natin ang tunay na kahulugan ng ating pagdiriwang na kadalasa’y nalulunod sa rangya ng palamuti. Sa Mabuting Balita ngayon, tahasang pina-alalahanan ni Hesus ang kanyang mga alagad, na mag-ingat sa lebadura ng mga Pariseo at ni Herodes. Hindi ang pampaalsa sa tinapay, ang tinutukoy ni Hesus, kundi ang kanilang pagpapaimbabaw. Mahalaga ang lebadura dahil pinapaangat at binibigyang-hugis nito ang tinapay, pero kung susuriin, hangin lang pala ang nagpapalaki sa tinapay! Sa ating buhay, ang karangyaan, karanasan, at kasanayan ay ang lebadura ng ating pagkatao, kung kaya’t maaaring umalsa ang ating kayabangan mula sa mga ito. Hindi ang lebadura ang mahalaga sa Diyos, dahil hindi Niya ito mamamasa; ang Kanyang minamahal, ay ang harinang nagpapaubayang maging tinapay sa Kanyang paghuhulma’t paggabay.  Mga kapanalig, hingin natin kay Hesus ang biyayang maging mas mapagpakumbaba, upang sa ating pagganap ng araw-araw na tungkulin, laging nakaapak sa lupa ang ating mga paa, at laging nakatutok naman ang ating mga mata sa langit, Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 12, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 13, 2024 – Martes l Ikaanim na Linggo ng Karaniwang Panahon  

0:00 4:19

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 12, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!